Isa sa pinakamatagal na anime series ng mundo, patuloy na nagbibigay inspirasyon ang One Piece sa viewers nito sa pamamagitan ng mga tauhan tulad ni Monkey D. Luffy, na hindi sumusuko sa kaniyang pangarap na maging Pirate King.
At ngayon na nag-transition na ang manga ni Eiichiro Oda sa Wano Country Arc, ibinunyag ng mangaka (manga artist) ang mga bounty ng iba’t-ibang characters sa One Piece franchise.
Sa serye, ang bounty ng isang character ay isang indikasyon kung gaano sila kinakatukan ng Marines at World Government. Ngunit hindi ito kahulugan na mahina o malakas ang isang character tulad ni Sabo o Chopper.
Makikita ang bounty sa anyo ng Belly (beri sa Japanese) na currency, na may simbolong katulad ng Thai Baht (฿).
Patuloy na nagiiba ang bounty ng mga One Piece characters. Ngunit, dalawang characters ang palaging nasa tuktok ng listahan pagdating sa kanilang kasikatan, at walang character ang umabot sa bounty nina Pirate King, Gol D. Roger, Whitebeard, at Edward Newgate.
- Maging isang hot Straw Hat Pirate sa kauna-unahang One Piece gym
- One Piece live action ng Netflix: 3 Easter eggs na ikagugulat mo
Kumpletong listahan ng One Piece bounties
10. Trafalgar D. Water Law – ฿3,000,000,000
9. Monkey D. Luffy – ฿3,000,000,000
8. Buggy the Clown – ฿3,189,000,000
7. Dracule Mihawk (Hawk Eyes) – ฿3,590,000,000
6. Marshall D. Teach (Blackbeard) – ฿3,996,000,000
5. Red-Haired Shanks – ฿4,048,900,000
4. Charlotte Linlin (Big Mom) – ฿4,388,000,000
3. Kaido – ฿4,611,100,000
2. Edward Newgate (Whitebeard) – ฿5,046,000,000
1. Gol D. Roger – ฿5,564,800,000
10. Trafalgar D. Water Law
One Piece bounty: ฿3,000,000,000
Si Trafalgar Law ang kapitan at doktor ng Heart Pirates, at marami ang humahanga sa kaniya dahil sa kaniyang talino at kalmadong ugali. Tumaas ang kaniyang bounty mula ฿200,000,000 patungong ฿440,000,000 matapos ang dalawang taon na time jump sa serye. Matapos matanggalan ng Seven Warlords of the Sea membership, tumaas ang kaniyang bounty sa ฿500,000,000.
Fast-forward sa Wano Country Arc, tumaas muli ang kaniyang bounty sa ฿3,000,000,000 matapos niyang matalo ang Big Mom ng Four Emperors, dahil sa tulong ni Eustass Kid.
9. Monkey D. Luffy
One Piece bounty: ฿3,000,000,000
Si Monkey D. Luffy ang bida ng One Piece. Una siyang nakatanggap ng bounty na ฿30,000,000 matapos niyang matalo ang mga pirates ng East Blue sa episode 45, na umere noong October 2000. Matapos ang 1,000 episodes at 22 na taon, tumaas na ang kaniyang bounty sa ฿3,000,000,000.
8. Buggy the Clown
One Piece bounty: ฿3,189,000,000
Ang pinaka-nakakagulat na pangalan sa listahang ito ay si Buggy the Clown, isa sa apat na emperors. Sino kaya ang makakaisip na magiging myembro rin siya ng Shichibukai, ang Seven Warlords of the Sea?
7. Dracule Mihawk (Hawk Eyes)
One Piece bounty: ฿3,590,000,000
Si Dracule Mihawk, kilala rin bilang Hawk Eyes, ay ang pinakamalakas na swordsman ng One Piece, at guro ni Roronoa Zoro.
Matindi si Mihawk, dahil hawak niya ang Yoru, isa sa 12 na Supreme Grade swords. Ang sandatang ito ang isa sa pinakamalakas na espada sa One Piece world.
6. Marshall D. Teach (Blackbeard)
One Piece bounty: ฿3,996,000,000
Si Marshall D. Teach, kilala rin bilang Blackbeard, ang kapitan ng Blackbeard Pirates. Isa siya sa mga iilang characters na may D. sa kaniyang apilyedo. Ngunit ‘di tulad ni Monkey D. Luffy, Monkey D. Garp, o Gol D. Roger, isang malupit na tao si Blackbeard.
5. Red-Haired Shanks – ฿4,048,900,000
One Piece bounty: ฿4,048,900,000
Si Red-Haired Shanks ay maaring isa sa pinaka-misteryosong character sa One Piece, lalo na’t may kakayahan siyang kumausap sa Five Elders, ang mga pinuno ng World Government na mga lider ng serye.
4. Charlotte Linlin (Big Mom)
One Piece bounty: ฿4,388,000,000
Bilang myembro ng Yonko, isa sa pinakamalakas na pirate si Big Mom sa mundo. Kinilala siya ng Five Elders bilang isa sa mga may kayang pumigil kay Blackbeard. Siya lamang ang babaeng myembro ng Yonko, na naging kakampi ni Kaido sa Wano Country arc.
3. Kaido
One Piece bounty: ฿4,611,100,000
“People often say ‘If it’s one-on-one, Kaido will win.’ On land, sea, and air… among all living things, he is a pirate who is known as the ‘strongest creature’!!!”
Si Kaido ang isa sa Four Emperors na namuno ng mga karagatan. Siya ang Governor-General ng Beasts Pirates, at isa rin sa mga may kakayahang talunin si Blackbeard.
2. Edward Newgate
One Piece bounty: ฿5,046,000,000
Kilala bilang “The World’s Strongest Man,” si Whitebeard ang dating kapitan ng Whitebeard Pirates at kilala rin bilang “The Man Closest to One Piece” matapos ang pagkamatay ni Gol D. Roger. Myembro rin si Whitebeard ng Yonko hanggang sa siya’y namatay sa Marineford Arc.
1. Gol D. Roger
One Piece bounty: ฿5,564,800,000
Si Gol D. Roger ay isang maalamat na pirate. Bilang kapitan ng Roger Pirates, siya ang may hawak sa titulong Pirate King at nasa kaniya rin ang treasure na One Piece. Siya ang kauna-unahang tao na naka-diskubre sa huling isla ng Laugh Tale, kung saan matatagpuan ang One Piece.
Ito ang kumpeto at updated list ng mga One Piece bounties:
RANK | CHARACTER | ALIAS/TITLE | BOUNTY | AFFILIATION | STATUS |
1 | Gol D. Roger | Gold Roger | ฿5,564,800,000 | Roger Pirates | Deceased |
2 | Edward Newgate | Whitebeard | ฿5,046,000,000 | Whitebeard Pirates | Deceased |
3 | Kaido | Kaido of the Beasts | ฿4,611,100,000 | Beasts Pirates | Unknown |
4 | Charlotte Linlin | Big Mom | ฿4,388,000,000 | Big Mom Pirates | Unknown |
5 | Red-Haired Shanks | Red Hair | ฿4,048,900,000 | Red Hair Pirates | Alive |
6 | Marshall D. Teach | Blackbeard | ฿3,996,000,000 | Blackbeard Pirates | Alive |
7 | Dracule Mihawk | Hawk Eyes | ฿3,590,000,000 | Cross Guild | Alive |
8 | Buggy | Star Clown | ฿3,189,000,000 | Buggy Pirates | Alive |
9 | Monkey D. Luffy | Straw Hat Luffy | ฿3,000,000,000 | Straw Hat Pirates | Alive |
10 | Eustass Kid | Captain Kid | ฿3,000,000,000 | Kid Pirates | Alive |
11 | Trafalgar D. Water Law | Surgeon of Death | ฿3,000,000,000 | Heart Pirates | Alive |
12 | Crocodile | Desert King | ฿1,965,000,000 | Baroque Works, Cross Guild | Alive |
13 | Boa Hancock | Pirate Empress | ฿1,659,000,000 | Kuja Pirates | Alive |
14 | King | King the Conflagration | ฿1,390,000,000 | Beasts Pirates | Alive |
15 | Marco | Phoenix | ฿1,374,000,000 | Whitebeard Pirates | Alive |
16 | Queen | Plague | ฿1,320,000,000 | Beasts Pirates | Alive |
17 | Roronoa Zoro | Pirate Hunter | ฿1,111,000,000 | Straw Hat Pirates | Alive |
18 | Jinbe | Knight of the Sea | ฿1,100,000,000 | Straw Hat Pirates | Alive |
19 | Charlotte Katakuri | N/A | ฿1,057,000,000 | Big Mom Pirates | Alive |
20 | Vinsmoke Sanji | Black Leg | ฿1,032,000,000 | Straw Hat Pirates | Alive |
21 | Jack | Drought | ฿1,000,000,000 | The Beasts Pirates | Alive |
22 | Charlotte Smoothie | Sweet Commander | ฿932,000,000 | Big Mom Pirates | Alive |
23 | Nico Robin | Devil Child | ฿930,000,000 | Straw Hat Pirates | Alive |
24 | Charlotte Cracker | Thousand Arms | ฿860,000,000 | Big Mom Pirates | Alive |
25 | Charlotte Perospero | N/A | ฿700,000,000 | Big Mom Pirates | Alive |
26 | Sabo | Flame Emperor | ฿602,000,000 | Revolutionary Army | Alive |
27 | Charlotte Snack | N/A | ฿600,000,000 | Big Mom Pirates | Alive |
28 | Little Oars Jr. | N/A | ฿550,000,000 | Little Pirates | Unknown |
28 | Portgas D. Ace | Fire Fist | ฿550,000,000 | Whitebeard Pirates | Deceased |
30 | Who’s-Who | Who of the Droplets | ฿546,000,000 | Beasts Pirates | Alive |
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang anime news.