May panibagong motto sa buhay ang One Piece creator na si Eiichiro Oda: “The only one who can beat me is me.”

Ngayong taon, nakatanggap ang Japanese mangaka ng isang certificate of recognition mula sa Guinness World Records matapos mag-publish ng 500 million copies ng One Piece manga simula noong nag-debut ito noong 1997.

Unang nakamit ni Oda ang world record noong December 2014 matapos magbenta ng 320 million copies ng manga.



Nagtala ng bagong Guinness World Record ang One Piece creator na si Eiichiro Oda sa pagbenta ng 500 milyong kopya ng manga

Representante ni One Piece creator Eiichiro Oda tinanggap ang bagong Guinness World Record plaque
Credit: One Piece staff

Kinikilala ng award si Oda bilang “the most copies published for the same comic book series by a single author, with 416,566,000 copies printed and circulated from December 1997 to July 2022.”

Kasama sa numero ang print at digital copies na naibenta sa buong Japan. Dagdag pa riyan, 100 million copies ang naibenta sa labas ng bansa, para makapag-total ng 500 million copies worldwide, ayon sa isang tweet ng isang staff ng One Piece.

Nakatanggap ng updated certificate ang editor-in-chief ng Weekly Shonen Jump na si Hiroyuki Nakano, sa ngalan ng sikat na creator.

Anime One Piece
Credit: Toei Animation

Sinusundan ng storya ang mga adventures ni Monkey D. Luffy at ang kaniyang pirate crew na Straw Hat Pirates. Para makamit ang kaniyang pangarap na maging king ng pirates, hinanap ni Luffy at ang mga kaibigan niya ang ultimate treasure na “One Piece.”

Unang nilabas ang manga noong December 1997 at sinundan ng anime adaptation noong October 1999. Dalawang dekada ang nakalipas, ito ang pinaka-matagal na running anime series sa mundo sa kaniyang 20 seasons at mahigit 1,000 episodes.

Isang live-action TV adaptation rin ang lalabas na gawa ng Netflix, starring Iñaki Godoy bilang Monkey D. Luffy, Emily Rudd bilang Nami, Mackenyu Arata bilang Zoro, Jacob Romero Gibson bilang Usopp, at Taz Skylar bilang Sanji. Hatid ng Oda ang serye, kasama ang showrunner na si Steven Maeda at producer na si Matt Owens.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa One Piece.

BASAHIN: One Piece live action ng Netflix: 3 Easter eggs na ikagugulat mo