Kalimutan ang pagiging malakas. Oras na para madiskubre ang underdog hero story ng pinakamahinang Hashira.

Habang kilala ang Demon Slayer fans sa pakikipagtalo kung sino ang pinakamalakas na Hashira, ngayon naman ay magpokus tayo sa kabaliktaran.

Tignan natin nang maigi si Shinobu Kocho, isang minamahal na character na unang lumabas sa Chapter 28 ng manga at Episode 15 sa anime. Sa diksuyong ito, susuriin natin ang kaniyang mga kahinaan at kung bakit kakaiba siya sa ibang mga Hashira.  

Babala: Major spoilers kung hindi mo pa nababasa ang Chapter 137 ng manga, at minor spoilers kung hindi mo pa napapanood ang Season 1 ng anime. 



Bakit si Shinobu Kocho ang pinakamahinang Hashira sa Demon Slayer

Shinobu Kocho, ang itnuturing na pinakamahinang Hashira sa Demon Slayer
Credit: ufotable

Ang Hashira, na binubuo ng siyam na elite warriors, ay kilala bilang makapangyarihang myembro at combatants ng Demon Slayer Corp. Sila ay patuloy na humahasa sa kanilang galing at techniques para maging mas malakas na fighters.  

Bagamat tinuturing siyang pinaka-mahinang Hashira, hindi mo dapat I-underestimate ang fighting abilities ni Shinobu. Isang malaking parangal ang maging parte ng top 10 fighters mula sa libo-libo sa Demon Slayer Corps. 

Ang posisyon ni Shinobu bilang lowest-ranked Hashira ay maaring maituro sa kaniyang limitadong pisikal na lakas. Sa kaniyang laban sa Daughter Demon ng cult family ng Lower Rank Five, inamin niyang siya lang ang Hashira na hindi kaya pumugot ng ulo ng mga demons, isang bagay na kaya ng karamihan sa mga Demon Slayers.

Insect Hashira Shinobu Kocho sa Demon Slayer
Credit: ufotable

Binawi ng Insect Hashira ang kaniyang pisikal na kahinaan sa pamamagitan ng pagasa sa kaniyang bilis, liksi, at talino. Sa halip na pugutan niya ng ulo ang mga demons, gumagamit siya ng kakaibang fighting style na kung saan siya ay nagi-inject ng lethal dose ng lason sa kaniyang mga kalaban gamit ang kaniyang customized Nichirin Sword.

Ang low rank ni Shinobu sa mga Hashira ay maiiugnay sa isang event sa final arc ng serye. 

Halos puro speed lamang ang ginamit ni Shinobu para makaiwas ng atake mula kay Doma. Sa kasamaang palad, ang pagiwas sa atake ng demon ng Upper Rank Two ang kaya niya lang gawin. Napilitan siyang tanggapin ang kaniyang kapalaran at hayaang mangyari ang kaniyang last resort.

Credit: ufotable

Mahigit isang taon bago ang kaniyang battle laban kay Doma, regular niyang ini-inject ang sarili niya ng wisteria poision. Alam niyang maaring hindi sapat ang kaniyang lakas para matalo si Doma, kaya ginamit niya ang kaniyang buhay bilang backup plan.

Habang masasabi ng iba na ang kaniyang desisyon na I-inject ang sarili niya ng lason ay ebidensya sa kaniyang dedikasyon sa pagpatay ng demons, partikular na sa isang demon na hinahabol niya buong buhay niya, ito ay isa pa ring stratehiya na kung saan tinanggap niya na ang kaniyang sariling kamatayan.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Demon Slayer. 

BASAHIN: Hindi mo dapat palampasin ang ilalabas na Jujutsu Kaisen-inspired gaming chair ng Secretlab!