Ang Demon Slayer o Kimetsu no Yaiba ang isa sa pinakasikat na anime serye ngayon. 

Sinusundan nito ang storya ni Tanjiro Kamado, isang teenager na sumali sa isang sekretong samahan ng mga mandirigma na ang tawag ay Demon Slayer Corp matapos napaslang ang kanyang pamilya, at ang kaniyang kapatid ay naging isang demonyo dahil sa kontrabida ng anime na si Muzan Kibutsuji. 

Anime Demon Slayer Tanjiro Kamado Funko Pop
Credit: Funko
KUNIN ITO: Anime: Demon Slayer Tanjiro Kamado Funko Pop! Figure

Sumikat nang todo ang dark fantasy anime na ‘to simula noong nilabas ito noong 2018. Ang Mugen Train movie ng Demon Slayer ang highest-grossing film ng 2020, matapos kumita ng mahigit US$506.5 million worldwide. 

Ang main trio ng Demon Slayer ay binubuo nina Tanhiro, Zenitsu Agatsuma, at Inosuke Hashibira. At mukhang may pagkakatulad ang mga characters na ito sa iilang heroes sa multiplayer online battle arena (MOBA) game na Mobile Legends: Bang Bang



Demon Slayer x Mobile Legends: 5 characters and heroes na may pagkakatulad 

Anime Demon Slayer Shinobu Kocho
Credit: Banpresto
KUNIN ITOAnime: Shinobu Kocho Banpeseto figure
  • Tanjiro (Ling) 
  • Zenitsu (Benedetta) 
  • Inosuke (Roger) 
  • Daki (Esmeralda) 
  • Akaza (Yin) 

Tanjiro (Ling) 

Demon Slayer x MLBB
Credit: Ufotable, Moonton, ONE Esports
Anime Demon Slayer Giyu Tomikoa Funko Pop
Credit: Funko

KUNIN ITO:
 Anime: Giyu Tomioka Funko Pop! Figure

Isang mahusay na swordsman si Tanhiro Kamado na gumagamit ng iilang fighting techniques. Isa siyang maasahang fighter na parating nandiyan para sa kaniyang mga minamahal. 

Mukhang may hawig si Ling ng Mobile Legends kay Tanjiro. Isa rin siyang mahusay na swordsman na may kakayahang tumalon sa mga pader. Ang kaniyang bilis ay maikukumpara rin kay Tanjiro. 

Kung makakatanggap man tayo ng isang Demon Slayer x Mobile Legends collaboration balang araw, gusto namin makita si Ling na suot ang iconic haori ni Tanjiro. 

Zenitsu (Benedetta) 

Demon Slayer x MLBB
Credit: Ufotable, Moonton, ONE Esports

Si Zenitsu ay talagang isang nakaka-intrigang character sa Kimetsu no Yaiba, dahil sa kaniyang witty na ugali. Lumalabas ang kaniyang lakas sa tuwing siya ay tulog, at kaya niyang tapusin ang kalaban sa loob ng isang hiwa. 

Kaya naman agad na naiisip natin si Benedetta ng MLBB. Si Benedetta ay isang bulag na babaeng kabalyero na kayang magpatumba ng kalaban sa loob ng isang hiwa. 

Mayroong pagkakatulad din ang mga moves ni Zenitsu sa ultimate ni Benedetta na Alecto: Final Blow. 

Inosuke (Roger) 

Demon Slayer x MLBB
Credit: Ufotable, Moonton, ONE Esports

Ang boar-masked na si Inosuke ay may hawak na kapangyarihan ng mga halimaw. Ang kaniyang intwisyon at bilis ay nagpapa-alala satin kay Roger ng MLBB sa kabila ng kanilang magkaibang weapons. 

Mayroon ding intwisyon si Roger na nagpapabilis sa kaniyang kilos at nagpapalakas sa kaniya para maging isang hayop. 



Daki (Esmeralda) 

MLBB x Demon Slayer
Credit: Ufotable, Moonton, ONE Esports

Sang-ayon ang lahat na parehas na maganda sina Daki at Esmeralda, ngunit hindi doon nagtatapos ang kanilang pagkakatulad. 

Magkaparehas ang kanilang mga fighting styles. May suot na obi (isang sash na sinusuot kasama ng isang Japanese kimono) si Daki, na kaniyang kino-kontrol para atakehin ang kalaban. Tulad niyan, ang basic attack at Stardust Dance skills ni Esmeralda ay gumagamit din ng cloth shawls. 

Dahil dito, tila isang nakakabighaning sayaw ang mga laban nila. 

Akaza (Yin) 

Demon Slayer x MLBB
Credit: Ufotable, Moonton, ONE Esports

Kung alam mo ang life story ni Akaza at Yin, tiyak na makikita mo ang isang importanteng pagkakatulad sa kanilang dalawa – sila ay parehas na henyo pagdating sa martial arts. 

Sa anime, hindi tumitigil si Akaza na maghanap ng kapangyarihan para mapagaling ang kaniyang ama. In-game, patuloy din na hinahasa ni Yin ang kaniyang kaalaman sa martial arts para ma-kontrol ang Evil God Lieh, isang makapangyarihang anyo na sumanib sa kanya. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang storya tungkol sa Mobile Legends. 

BASAHIN: Paano mag-top up ng diamonds sa Mobile Legends: Bang Bang