Solidong pick pa rin si X.Borg sa Mobile Legends: Bang Bang ranked at pro play dahil sa kanyang abilidad na magpakawala ng sustained damage at mang-zone out ng mga kalaban.

Nagagawa niya ito gamit ang kanyang Fire Missiles at Fire Stakes — dalawang low cooldown, area-of-effect skills — na mabilis nakakapag-clear ng minion waves at patuloy na nakakapang-harass ng mga kalaban sa lane.

Ang kanyang ultimate na Last Insanity ay kayang magbitaw ng mapanirang AoE damage at debuffs, kaya naman malakas ito sa opensiba upang makontrol ang mga laban.

Ngunit ang talagang nagpapakinang sa kanya ay ang passive niya na Firaga Armor, na nagbibigay sa kanya ng kunat at lalong pinapalakas ang kanyang mga atake.

Sa pag-intindi ng kanyang katangi-taning playstyle at mga lakas, mas mapapadali ang laro kung lalagyan mo siya ng mga item na lalong magpapataas ng kanyang durability, at magpapalakas ng kanyang abilidad na kontrolin ang mga kalaban sa harap.

IBA PANG MLBB GUIDES
MLBB 101: Ang Roam na role, mga dapat gawin, at mga hero para dito
Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Ling sa Mobile Legends
Abilities ni Ixia sa Mobile Legends: Magpakawala ng matinding damage nang hindi gumagalaw!
Top 5 Emblems at Talents na OP sa bagong emblem system ng Mobile Legends
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito sa Mobile Legends

Ang 3 best items para kay X.Borg sa Mobile Legends

Immortality

Immortality para kay X.Borg sa Mobile Legends: Bang Bang
Credit: ONE Esports

Kadalasan, ang Immortality ay binubuo na bilang last item. Pero para kay X.Borg, ito dapat ang prayoridad.

Ito ang nagpapatibay ng rason kung bakit solidong pick siya sa laro — mang-zone out ng kalaban at humarap sa mga clash, lalo na sa early game.

Nagbibigay ang item na ito ng isa pang safety net sakaling maubos ang iyong Firaga Armor at HP gamit ang unique passive nito na Immortal. Muli kang bubuhayin nito ilang segundo matapos mapatumba.

Nagkakaloob din ito ng shield na kayang makatanggap ng damage matapos kang ma-resurrect. Isama mo riyan ang Firaga Armor at talagang gagamit ng maraming oras at skills ang iyong mga kalaban na patumbahin ka ulit.


Ice Queen Wand

Ice Queen Wand para kay X.Borg sa Mobile Legends: Bang Bang
Credit: ONE Esports

Bagamat nakakaintriga ang Ice Queen Wand para sa isang physical damage-based fighter, swak ito para palakasin ang offensive at zoning mo bilang X.Borg.

Isipin mo na lang, bawat pagkakataon na matamaan mo ang kalaban ng iyong skills, nababawasan ang kanilang movement speed dulot ng Ice Bound unique passive nito.

Dahil dito, patuloy mong maha-harass at zone out ang mga kalaban kaya mas magiging madali para sa iyong koponan na padapain sila o kaya kumuha ng objectives.

Bukod pa sa unique passive nito, nagbibigay din ang Ice Queen Wand ng HP, spell vamp, at karagdagang movement speed.


War Axe

War Axe para kay X.Borg sa Mobile Legends: Bang Bang
Credit: ONE Esports

Ang War Axe ay isang powerhouse item para kay X.Borg dahil nagbibigay ito ng mataas na damage, survivability, mobility, at overall combat effectiveness.

Bukod sa stats nito na HP, physical attack, at cooldown reduction, sulit na sulit din ang unique passive nito na Fighting Spirit.

War Axe kay X.Borg? Alamin kung bakit sobrang OP ng hero-item combi na ito

Tuwing nakaka-damage ka sa kalaban, nadadagdagan nito ang iyong physical attack at physical penetration na nag-i-stack.

At kapag naabot mo na ang max stacks, magbibigay din ito ng karagdagang movement speed. Kaya kapag ipinares sa Ice Queen Wand, siguradong mahihirapan ang iyong mga kalaban na takasan ka.

Para sa iba pang balita at guides sa Mobile Legends: Bang Bang, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Saan ang mga top travel destination ni Bigetron Era Vivian?