Karamihan sa mga players ng Mobile Legends: Bang Bang ay pipiliin na i-ban si Ling sa kanilang ranked games, pero kung alam mo kung paano siya kontrahin, maaari kang pumili na labanan siya nang harapan.

Ang pangunahing tungkulin ng isang assassin ay ang paghabol sa backline ng kalaban, lalo na ang marksman at mage. Isa sa mga pinakaginagamit na roles sa MLBB, ang mga assassin ay maaaring magdikta ng magiging resulta ng laro.

Ang Finch Poise ay nagbibigay sa kanya ng kakayahang gumalaw sa ibabaw ng mga pader, kaya siya ay isang napaka-mobile na hero.

Para sa damage, umaasa siya sa Defiant Sword, na may maikling cooldown. Kapag pinagsama ito sa kanyang ultimate na Tempest of Blade, karaniwan nang nawawala ang kanyang mga target sa isang kisap mata.

Gayunpaman, walang hero na perpekto at hindi naiiba si Ling sa patakaran na iyon.


Narito ang 3 best hero pangontra kay Ling

Kaja

Kaja Skyblocker
Credit: Moonton

Si Kaja ay isang fighter support hero na kayang magdulot ng malaking damage sa pamamagitan ng Ring of Order kahit nasa pader si Ling, ang slow effect nito ay babawasan din ang kanyang mobility.

Bukod dito, ang Divine Judgment ay isang bangungot dahil kapag siya ay tinamaan ng skill na ito, siya ay mala-lockdown sa pwesto at maaaring i-burst down.


IBA PANG MLBB GUIDES
Ang 3 na hero pangontra kay Alpha sa Mobile Legends
3 dahilan bakit sulit ang Dominance Ice sa lahat ng tank
Ito ang tips ni FlapTzy para maging isang magaling na Arlott player
ECHO Sanford ibinahagi ang kanyang Lapu-Lapu build para sa EXP lane
Pano maging magaling na Chou player? Ito ang tips ni Chou God Yawi

Ruby

October 2021 Starlight Skin
Credit: Moonton

Si Ruby ay isang fighter na kayang pigilan ang assassin hero. Sa paggamit ng Don’t Run, Wolf King!, maaari niyang hilahin si Ling mula sa pader at bigyan ito ng stun na tumatagal nang 0.5 segundo. Ang damage na idinudulot ng skill na ito ay tiyak na mararamdaman ni Ling, na may mababang durability.

Ang ultimate spell niya na I’m Offended! ay mayroon ding pull mechanic – pangalawang dahilan kung bakit dapat mag-ingat ang mga gumagamit ng Ling kapag nakikipaglaban kay Ruby.

Minsitthar

Credit: Moonton

Si Minsitthar ang isa sa mga hero na idinisenyo upang harapin ang mga assassins dahil sa kanyang mga mechanics, kung kaya’t natural lang na piliin siya laban sa mga ito.

Ang Spear of Glory ay kayang hilahin si Ling mula sa ibabaw ng pader. Kapag pinagsama ito sa Shield Assault, na nagbibigay ng isang segundo na stun, nagdudulot ng malaking damage, at nagbibigay sa kanya ng isang shield, palaging magiging pabor ang trade laban sa kanya.

Sa pamamagitan ng pag-master sa isa sa mga hero na ito, hindi na magiging sanhi ng pag-aalala si Ling.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: Top 5 Emblems at Talents na OP sa bagong emblem system ng Mobile Legends