In-update nitong Nobyembre 28, 3 p.m. (GMT+8): Nagdagdag ng kaugnay na guides.

Isa ang Alpha sa heroes sa Mobile Legends: Bang Bang na kayang magpakawala ng true damage sa mga kalaban, ang isang uri ng damage na kayang tumagos sa physical at magic defense at iba pang damage reduction effects.

Nagagawa niya ito kasama ang kaniyang robotic companion na si Beta na kayang bigyan ng slow effects ang kalaban na matatamaan ni Alpha ng dalawang ulit.

Bukod dito, pambihirang slow effects ang kayang ipataw ng kaniyang skill na Rotary Impact, habang ang Force Swing naman ay kargado ng sandamukal na damage kasabay ng health regen.

MLBB Alpha combos
Credit: Moonton Games

Ang ultimate naman niya na Spear of Alpha ang nagbibigay sa kaniya ng kapabilidad na mabilis na makalapit sa kaniyang taget (o targets) at kontrolin ito. Kasabay ni Beta ay makating damage ang kaya nilang pakawalan.

Gayunpaman, gaya ng lahat ng heroes sa Mobile Legends ay may mga karakter na kayang kontrahin ang cyborg.


Heto ang malalakas na hero counters kay Alpha sa Mobile Legends: Bang Bang

Freya

Credit: Moonton

Kung hanap mo ang isang hero na kaya makipagbabagan kay Alpha ng 1v1, maaari mong piliin ang Freya. Pambihira kasi ang kayang ibigay ng kaniyang passive na Power of Enherjar na nagbibigay ng attack speed boost kung kaya’t maaaari siyang makakuha ng Sacred Orb stacks ng mabilis. Ito ang magagamit niya para pakawalan ang Spirit Combo na may kayang kalampagin ang kalaban pa-airborne.

Samantala, ang kaniyang ultimate naman na Valkyrie Descent ay nagbibigay sa kaniya ng anim na Sacred Orb stacks na pinarisan pa ng shield at extra physical attack.

Bago kumprontahin ang Alpha, i-active ang Valkyrie Descent at pagkatapos ay talunan ang kalabang hero gamit ang Leap of Faith.

Sundan ito ng Spirit Combo para tunawin ang HP bar ng Alpha, pagkaraan ay sumundot ng basic attacks. Gamitin ang Spirit Combo palagi para makakuha agad ng dalawang stacks ng Sacred Orb.

Para pahinain ang regen ng kalabang fighter, mainam na kumuha ng Dominance Ice o di kaya naman ay Sea Halberd.

IBA PANG MLBB GUIDES
Athena’s Shield o Radiant Armor? Alamin kung ano ang dapat bilhin
Bakit dapat i-master si Esmeralda ng lahat ng EXP laners sa MLBB
3 heroes na sulit gamitan ng Basic Common Emblem sa Mobile Legends
Paano i-counter si Diggie sa Mobile Legends
4 roaming blessings sa Mobile Legends at best heroes para sa mga ito

Melissa

Credit: Moonton

Isang rason kung bakit mabisang pangontra ang Melissa sa Alpha ay ang kaniyang abilidad na putulin ang anumang tangka sa kaniya na makalapit ang kalaban gamit ang kaniyang ultimate na Go Away! Kapag in-activate niya ang skill na ito, nagkakaroon siya ng isang protective shield na tutulak sa mga kalabang susubok na makapasok dito.

Sa pagkakataong makakalapit ang Alpha gamit ang Spear of Alpha, krusyal na mapindot ang Go Away! Pagkatapos ma-airborne. Kasunod nito, gumamit ng Eyes on You! para ma-slow ang kalabang fighter at tirahin siya gamit ng basic attacks.

Kung mag-baback naman ang fighter, gumamit ng Falling! para masundan ito. Bukod kasi sa gap-closing ability, may boost din ito sa attack speed kung kaya’t siguradong mangangaray ang kalaban sa basic attack damage.

Mainam na gumamit ng Corrossion Scythe para mas mapahirapan ang Alpha kapag natatamaan ng basic attacks. Dagdag pa dito, maganda rin ang Sea Halberd para mabawasan ang kaniyang regen.

Valir

Credit: Moonton

Ang Valir ang isa sa pinaka-buwisit na katapat ng melee fighters dahil binubuo ang kaniyang kit ng skills na may kargang stun, slow at knockback effects.

Ang kaniyang ultimate na Vengeance Flame ay maaaring itumbas sa Purify na may karagdagang kati para sa kaniyang damage spells.

Sa pagkakataong makukuha ng Alpha ang Valir ng kaniyang ultimate, pindutin agad ang Vengeance Flame para sa mabilisang debuff. Pagkatapos nito, itulak ang kalabang fighter gamit ang Searing Torrent at muli’t-muling tikain ng Burst Fireball para ma-trigger ang stun effect at additional damage mula sa Ashing.

Tandaan na mabisa ang Ice Queen Wand para lalong mapabagal ang movement speed ng kalaban. Bukod dito, maganda ring kumuha ng Necklace of Durance para makontra ang regen ng Alpha.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Alin sa 3 Retribution ang swak para sa’yo sa Mobile Legends?