Si Esmeralda ay isa sa mga hero na pangunahing napipili mula nang ipatupad ang laning system sa Mobile Legends: Bang Bang, kadalasang nilalaro sa EXP lane.

Sa oras ng pagsusulat, ang Astrologer ay isa sa 25 na pinakamadalas na pinipili kapag nasa rank na Legend at higit pa dahil sa magandang win rate na 50.58% base sa MLBB Stats

Mas lalo siyang naging popular sa propesyonal na larangan dahil ang mage-tank na hero ay ang pangunahing napili sa regular season ng MPL Indonesia Season 10, na napili ng 92 beses. Sa MPL Philippines, siya ang pangalawang pinakamadalas na napipiling hero na ginamit sa 77 laro.

Kung gusto mong maglaro bilang EXP laner sa Mobile Legends, narito ang tatlong kahanga-hangang dahilan kung bakit dapat mong piliin si Esmeralda at paghusayin ang paggamit sa kanya.



3 dahilan kung bakit dapat i-master si Esmeralda

Bakit dapat i-master si Esmeralda ng lahat ng EXP laners sa MLBB
Credit: Moonton

Malakas siya kontra sa kaaramihan ng katapat sa EXP lane

Si Esmeralda ay matibay laban sa karamihan ng mga EXP laner dahil sa kanyang kakayahang ma-absorb ang shield ng kalaban. Sa parehong oras, ang kanyang pinsala ay hindi apektado ng anumang epekto ng shield dahil sa kanyang passive na Starmoon Casket.

Ang interaksyon ng Frostmoon Shield (Skill 1) at Stardust Dance (Skill 2) ay nagbibigay-daan sa kanya na mag-poke at ma-zone ang kanyang kalaban sa lane. Kaya’t dapat mong bilhin ang Enchanted Talisman bilang unang core item upang mas madalas mong magamit ang kombinasyon ng mga skill na ito.

Kapag nakaharap ka sa malalakas na kalaban tulad ng Dyrroth o Thamuz, maaari mong siyang madalas gamitin sa pamamagitan ng paggamit ng shield at bonus na movement speed mula sa kanyang unang skill. Ang mga kakayahang ito ay tutulong sa kanya na makaiwas sa mga pag-atake ng kalaban, na nagbibigay ng space para sa mga kakampi.

Siguraduhin na piliin ang Purify na spell ng labanan kapag maraming crowd control abilities sa kabilang koponan.


Flexible ang item build ni Esmeralda 

Bakit dapat i-master si Esmeralda ng lahat ng EXP laners sa MLBB
Credit: ONE Esports

Pagkatapos mag-upgrade ng mga boots at bumili ng Enchanted Talisman, maaaring baguhin ni Esmeralda ang kanyang item build base sa kailangan ng koponan. Maaaring isaalang-alang ang pagbili ng Oracle, na nagpapalakas ng mga epekto ng shield, tapos Dominance Ice, Immortality, at Brute Force Template, kung kailangan mong pumronta sa mga laban ng koponan.

Siguraduhing gamitin ang Support emblem at Avarice talent para sa build na ito.

Kung kailangan mong maging isa sa mga damage dealer, maaari kang bumuo ng Calamity Reaper, Holy Crystal, at Ice Queen Wand. Balansehin ito ng mga defensive items gaya ng Brute Force Breastplate at Oracle.


Malaki ang papel na ginagampanan niya sa team fight at sa pagkuha ng objectives

Bakit dapat i-master si Esmeralda ng lahat ng EXP laners sa MLBB
Credit: Moonton

Si Esmeralda ay hindi lamang malakas sa laning stage kundi pati na rin sa mid at late game kapag nagkakaroon ng team fight at pag-aagawan sa mga importanteng objectives. Sa sapat na item, kayang mag-absorb ng damage sa bakbakan o tumalon sa backliners gamit ang ultimate na Falling Starmoon.

‘Pag naman nakikipagsayaw sa Lord, pwedeng sumaglit sa lane para mabilis na mag-clear ng wave saka bumalik sa pit gamit ang bonus movement speed mula sa Frostmoon Shield.

Ang flanking ay isa pang pagpipilian, kung saan sinisira niya ang diskarte ng kabilang koponan. Maaari rin niyang suriin ang mga kalaban na nagtatago sa mga bushes at itulak sila palayo habang ang koponan ay nasa Lord.

Sa pagsisira ng mga tore, ang presensya ni Esmeralda sa pronta ay nagbibigay-daan sa marksman na maka-free hit sa tore.

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Papasa bilang Lightborn skin ang Sanctified Flame Thamuz, ang Starlight skin ngayong June 2023