Inilabas kamakailan ng Moonton ang hero spotlight para sa pinakabagong hero sa Mobile Legends: Bang Bang na si Novaria, ang Star Rebel. Siya ang ika-120 na hero sa laro at ikalawang adisyon sa pool ngayong tao kasunod ng fighter hero na Arlott noong Pebrero.

Bilang burst at poke hero, pambihira ang damage na karga ng kaniyang mga skills sa mga kalaban.

Partikular na sa mga ito ang kaniyang second skill na kayang magpakawala ng damage mula sa long distance, na maikukumpara sa ultimate ability ng Beatrix na Renner’s Apathy.



Skills ni Novaria sa Mobile Legends: Bang Bang

First skill – Astral Meteor

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Mag-susummon si Novaria ng isang Astral Metor na babagsak sa isang target location na may kargang magic damage at slow effects sa kalaban. Pagkatapos nito, magpapatuloy ang pagbagsak ng meteor fragments sa nasabing lugar na may dala pa ring magic damage at slow sa natamaang kalaban.


Second skill – Astral Recall / Star Shatter

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Magpapakawala ang hero ng isang Astral Sphere mula sa malayo na babalik papunta sa kaniya. Kasama nito ang magic damage sa mga kalabang madadaanan ng sphere.

Kasabay nito, magkakaroon siya ng boost sa kaniyang movement speed at abilidad na makatagos sa terrain.

Kapag nasalubong na niya ang Astral Sphere, maaari niya itong ibato sa isang target location.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Sasabog ito kapag tumama sa isang enemy unit, kasama ng magic damage at adisyunal na damage base sa oras na nagugulo bago ito tumama.


Ultimate – Astral Echo

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Magpapakawala siya ng Astral Chains sa isang target location para matunton ang mga kalabgn heroes at palikihin ang kanilang hitbox.


Passive – Star Trail

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Lahat ng skills ni Novaria ay may abilidad na matunton ang kalabang heroes.


Kasalukuyang playable na ang Novaria matapos gumulong ang patch 1.7.82.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuli tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Kayang pumalag ng 3 heroes na ito sa Yin sa Mobile Legends