Si Yin, ang Martial Genius ang isa sa mga pinakahuling lumabas na Fighters sa Mobile Legends: Bag Bang.

Kilala ang hero sa bukod-tangi niyang abilidad na lumipat mula sa kaniyang human form papunta sa pormang tinawag na Lieh na may sariling skills.

Kamangha-mangha din ang kaniyang ultimate na My Turn, kung saan kaya niyang humuli ng isang hero at dalhin ito sa bukod na battlefield para ikasa ang 1v1 situation. Kaya naman, marami ang nahihirapan katapat ang hero lalo na kung hawak ng marunong na player.

Ngunit sinu-sinong hero nga ba ang kayang pumalag sa Martial Genius? Heto ang tatlong karakter na may tiyansang makatapat sa lakas ng Yin sa Mobile Legends.


Top 3 hero counters sa Yin sa Mobile Legends: Bang Bang

Zhask

Credit: Moonton

Bagamat nabigyan ng malaking buff sa patch 1.5.96, hindi pa rin madalas makita ang Zhask mapa-ranked game o sa pro play. Gayunpaman, bukod-tangi ang hero sa mages sa laro na kayang makasabay kapag nahuli ng My Turn ng Yin.

Kaya na kasi ng Zhask na makipagtapatan sa kahit sinung fighter kapag nakuha na niya ang kaniyang level four. Pambihira ang kayang pakawalang damage ng mage gamit ang kaniyang ultimate na Dominator’s Descent, at kahit pa Yin ay mangangaray kapag sinapo niya lahat ng damage output nito.

Kung ikaw naman ang gumagamit sa Yin, talagang magdadalawang-isip ka kung ihihiwalay mo ang Zhask dahil dehado ka sa 1v1 situation.


Sun

Credit: Moonton

Isang hero lamang ang kayang kuhanin ni Yin sa kaniyang ultimate. Kaya naman kapag Sun ang sinubukang ibukod ng Martial Genius, dehado siya sa mga doppelgangers na kayang ilabas ng kalabang fighter.

Bukod dito, lugi ang Yin sa skillset ng Sun partikular na dahil sa kaniyang passive na Simian God kung saan nababawasan ang physical defense ng hero na makakatanggap ng damage mula sa doppelgangers nito.

Kaya naman, magandang opsyon ang Sun para mapuwersa ang kalabang Yin na magdalawang-isip gamitin ang My Turn ultimate. 


Argus

Credit: Moonton

Kaya kasing mag-transform ng hero sa mas malakas na bersyon gamit ang kaniyang ultimate na Eternal Evil kung saan siya ay invulnerable sa loob ng apat na segundo. Swabe din ang epekto ng ultimate na mababawi ang 100% ng damage na nakuha niya sa duration pagkatapos ng duration nito.

May mga pagkakataong mainit ang mata ng Yin players na gamitin ang My Turn, ngunit kung Argus ang matatagpuan niya sa 1v1 situation, malagim ang kalalabasan nito para sa Martial Genius. 

Kahit pa buhusan niya ng pambihirang physical damage ang hero ay agad nitong mababawi ang health kapag na-activate ang Eternal Evil, bukod pa sa kayang pakawalan ng Argus na damage output.

Anu-ano pa ang counter heroes na naisalang mo kontra Yin? I-komento ito sa posts sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: 3 best hero counter para kay Melissa