Hindi maitatanggi na ibang klase ang pakiramdam kung mayroong suot na balat ang iyong mga paboritong karakter sa Mobile Legends: Bang Bang. At kung may extra naman na pambili, hindi masama ang i-enjoy ang mga ito, partikular na ang mga naggagandahang epic skins sa in-game shop na talaga namang nagpapaswabe lalo ng paglalaro.

Sa article na ito, inilista naming ang pinaka-astig na MLBB epic skins na puwede mo na bilhin ngayon din sa in-game shop. At hindi lamang angas ang dala ng mga ito, dahil kung sisiliping maigi, sulit din ang effects na karga ng mga ito para sa karakter.



Sulit ba bumili ng MLBB epic skins?

Hindi lang panibagong dating sa hitsura ng iyong paboritong hero ang dala ng skins. May karagdagang stats din ito na binibiggay sa early game.

Kung palagi mong ginagamit ang isang hero, masisigurado na presko sa pakiramdam kapag may bago itong suot na skin partikular na ang MLBB epic skins. Bukod dito, mapapakita mo din ang dedikasyon mo sa nasabing hero na para bang badge of honor sa Land of Dawn.

Heto ang top 5 MLBB epic skins na sa palagay namin ay dapat mo ng kunin sa lalong madaling panahon:

Oras na para kunin ang 5 MLBB epic skins na ito

5. Eyes of Eternity Lunox

Credit: Moonton

Una sa aming listahan ng pinaka-astig na MLBB epic skins ay ang skin ng isa sa pinaka-challenging na laruin na mage sa laro, ang Lunox.

Ang Eyes of the Eternity Lunox ay perpektong skin kung gusto mong lubusin ang aesthetic ng ang dual-identity (angel at devil) karakter. Presko ang hitsura ng hero kapag lilipat mula Power of Chaos papunta sa Power of Order dahil lumihis ito sa tipikal na effect ng kaniyang ibang skin na nakapokus sa kaniyang “good side”.

Gusto mo bang maglaro bilang devil version ng Lunox? Puwes, ito na ang pagkakataon mo.

4. Celestial Bastion Uranus

Credit: Moonton

Isa ang Celestial Bastion Uranus sa mga bagong inilibas na MLBB epic skin sa server. May ilan na nagsasabing malaki ang pagkakatulad nito sa kaniyang default look, ngunit kung papansining maigi sa loob ng laro ay siguradong ibang lebel ng tikas ang napupukaw nito.

Kumikinang ang skin na ito ni Uranus, at sapat para maglagay ng takot sa mga kalaban. Mas mukha kasing makapal ang hero dito, na swabe kung nais mong i-spam ang skill nitong Ionic Edge.

3. S.T.U.N. Selena

Credit: Moonton

Maraming nagsasabi na aang S.T.U.N Selena ay ang pinakamagandang S.T.U.N skin. Pero kung hindi man ay madaling sabihin na ito ang isa sa pinakamgandang skin ni Selena ngayon. Mula sa kaniyang traps at kaniyang Abyssal Arrow, pulido ang effects na karga ng balat na ito.

Bukod dito, mukhang naglalakad na diamante ang Selena kapag lilipat sa Abyssal Form. Kaya naman para sa marami, ito ang isa sa pinakamagandang MLBB epic skins para sa mages.

2. Rattan Dragon Estes

Credit: Moonton

Kung isa kang fan ng Lord of the Rings series, siguradong swabe para sayo ang Rattan Dragon Estes. Simple lang ang skin, pero pambihira ang vibe na ibinigay nito sa hero sa loob ng Land of Dawn.

Magical ang pakiramdam kapag naglalaro gamit ang skin, at presko ang dating lalo na kung ikukumpara sa default skin ng support hero.

Para lamang sa halagang 899 diamonds, maaari mo nang subukan ang skin na ito lalo na kung gusto mong magsanay pagulungin ang UBE strat ng Blacklist International kasama ang iyong teammates!

1. Codename: Rhino Grock

Credit: Moonton

Ang Codename: Rhino Grock ay isang skin na dapat ibilang sa mga Collector skin dahil sobrang detalyado ng balat na ito.

Bukod sa pambihirang hitsura ng character model, swabe din ang skill effects na dal anito. Sobrang sulit nito sa halagang899 diamonds at dapat na i-priority mo ito sa susunod na bibili ka ng balat!

I-like at i-follow ang Facebook ng ONE Esports Philippines para sa mga balita, update, at guides patungkol sa MLBB.

BASAHIN: Gabay sa paglalaro ng Alpha sa Mobile Legends: Best build, skills, emblem at combos