Ang parating na skin sa Mobile Legends: Bang Bang ay nakatakda na mang-akit ng mga players, ito na marahil ang pinakakapansin-pansin na skin sa lahat nang Legend skins.

Ang Divine Goddess Lunox ay ang ika-sampung dagdag sa prestihiyosong lineup ng Legend skins sa game. Ito rin ang ikawalong exclusive skin na maaaring makuha ng mga playerssa pamamagitan ng Magic Wheel event.

Iba sa kanyang mga nakaraang skin, itong skin na ito ay nagdadala ng ibang level ng experience sa pamamagitan ng pagpapakita ng dalawang natatanging effects para sa kanyang Order at Chaos skills.

Sa kabuuan, magkakaroon ng pakiramdam ang mga players na parang naglalaro sila ng dalawang magkaibang mga heroes, na may immersive na mga visuals at thematic na mga elemento na kaugnay ng bawat  Divine Judgement choice.

Character model at skill effects ng Divine Goddess Lunox

Divine Godess Lunox
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Nakasuot si Lunox ng nakakaakit na puting kimono na sumasalamin sa mahiwagang aura, na nagliliwanag ng isang kahanga-hangang ningning sa gitna ng laban. Ang kimono mismo ay may kumplikadong disenyo, na nagpapaalaala sa isang nakamamanghang pula at puting tulip.

Ang kanyang gintong buhok ay pinalitan rin ng malambot na puting buhok, na nagbibigay ng kakaibang kahalagahan. Pinalalamutian ang kanyang maluwalhating anyo ng isang maharlikang korona, na nagbibigay diin sa kanyang papel bilang reyna ng Land of Dawn.

Gayunpaman, ang nagpapakahalaga sa skin na ito ay ang mga malalaking orbs na dekorasyon sa balikat ni Lunox, na sumisimbolo sa kanyang mga persona ng order at chaos.

Divine Godess Lunox skills
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Ang mga order skills ay ipinapakita sa paningin sa pamamagitan ng isang phoenix, na nagpapamalas ng kapangyarihan ng order. Sa kabilang banda, ang mga chaos skills naman ay sinisimbolo ng isang dambuhalang bughaw na isda, na naglalarawan ng mga kaguluhan na maaaring gamitin niya.

Ang mga players ay makakatanggap din ng isang exclusive border, recall, mga skill icons, at achievement badge kapag nakuha nila ang skin.



Ang Divine Goddess Lunox ay magiging available sa Magic Wheel Draw.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.