Sa paggulong ng Mobile Legends patch 1.7.82, mas naging viable ang hero na Alpha sa Land of Dawn.

Ngunit bago pa man dumating ang naturang update, pambihira na talaga ang kayang gawin ng hero dahil sa kaniyang crowd control skills, na mas pinalakas pa ng kaniyang katambal na si Beta na kayang magpakawala ng true damage sa kalaban.

Para masiguradong madodomina mo ang kalaban gamit ang Fighter, gumawa ang ONE Esports ng komprehensibong gabay. Kasama sa guide na ito ang angkop na battle spell para sa cyborg, gayundin ang emblem, best build at skill combos na mainam na gawin.


Skills ni Alpha sa Mobile Legends

Passive – Beta, Advance!

Kapag gumamit ng skill si Alpha, masusummon si Beta para makatuwang niya sa pagpapakawala ng damage. Ang mga kalabang tatamaan ni Beta ng dalawang beses ay mailalagay sa Locked On state.

Locked On: Pagkatapos mag-deal ng damage ni Alpha sa target, maglalabas si Beta ng isang laser patungo dito na kargado ng true damage at slow.

  • Gagana lamang ang Locked On effect sa kalabang heroes at jungle creeps.
  • Ang mga kalaban na naapektuhan ng passive ay may marka sa kanilang health bars. Tatagal lamang ang marka ng ilang segundo at mag-rereset kapag natamaan sila ni Beta pagkatapos gumamit ng skill.
  • Kapag na-trigger mo ang Locked On, mainam na gamitan mo ng basic attacks ang kalaban para masundan ito ni Beta. Abusuhin ang skills ng hero para ma-reset ang mark duration.

First skill – Rotary Impact

Magpapakawal si Alpha sa isang target location ng isang energy wave na kargado ng damage at slow effect. Kasunod nito, titira si Beta sa parehong target location na may kasama namang true damage.

  • Mainam na i-prioritize ang pagkuha ng Rotary Impact sa level one dahil sa mababang cooldown nito kumpara sa second skill na Force Swing. Mas maabuso mo ang passive sa pamamaraang ito. Gamitin ang skill para i-poke ang kalaban sa unang bahagi ng laro.
  • Para tumama ang skill, mainam na manu-mano mong i-asinta ang skill.

Second skill – Force Swing

Pagkatapos ng maigsing delay, ii-swing ni Alpha ang kaniyang armas sa isang target location na kargado ng physical damage sa mga kalabang mahahagip nito sa fan-shaped area. Sa bawat kalabang tatamaan niya, magkakaroon siya ng HP regen.

Pagkatapos nito, susunod si Beta na magpakawala ng true damage sa kalaban.

  • Bread-and-butter ni Alpha ang Force Swing kaya maigi na ito ang ma-max out sa unang bahagi ng laro.
  • Maaari kang gumalaw kasabay ng pag-activate ng skill.
  • Puwede kang gumamit ng Flicker habang nag-cacast ng Force Swing para sasurprise attacks.

Ultimate – Spear of Alpha

Lukusob si Beta sa isang target direction at magpakakawala ng physical damage sa kalabang tatamaan, at stun effect sa mga ito. Pagakatapos nito, taqtalon si Alpha sa parehong lokasyon at kakalampagin ang mga kalaban para maging airborne at dadalhin sa landing location. Kasama ng effects na ito ang physical damage at slow.

Aatakihin ni Beta ang area ng makailang-ulit kargado ng true damage sa bawat pagkakataon.

  • Gamitin ang ultimate para buksan ang atake dahil sa sandamukal na crowd control effects na kasama nito. Kung tumama ang skill, maaari mo ng i-cast ang Force Swing at Rotary Impact para sa matinding physical damage.
  • Siguraduhin na maaasinta mo manually ang skill para maabuso ang range nito.
  • Maaari mo itong gamitin para itulak ang kalaban papalapit sa iyong base o sa mga kakampi.
  • Uubra din na gumamit ng Flicker para ma-extend ang cast range. Para magawa ito, i-cast ang skill papunta sa direksyon na gusto mong puntahan at i-tap ang Flicker.

Kumprehensibong gabay sa paglalaro sa Alpha sa Mobile Legends

Epektibong battle spell

Credit: ONE Esports

Sa usaping battle spell, mainam na intindihin ang role na gagampanan ng Alpha sa laro. Para sa mga sideliner, maganda ang Flicker para mas mapalayo ang landing ng kaniyang ultimate. Kung jungler naman ang role na gagampanan ng cyborg fighter, retribution ang go-to spell. 

Rekomendadong emblem

Credit: ONE Esports

Gaya ng lahat ng heroes sa laro, malaking bahagi ng tagumpay sa karakter ay ang pagpili ng tamang emblem set. Kung maglalaro ka sa sidelanes, Fighter emblem na Festival of Blood ang mainam dahil sa spell vamp effects nito na mas palalakasain ang sustainability na dala ng Force Swing.

Samantala, uubra din aassassin emblem na Killing Spree para sa parehong sideliner at jungler roles. Ito ay dahil sa karagdagang HP at movement speed kapag nakakapatay ng kalabang heroes.

Isa pang magandang alternatibo ang Jungle Emblem na Seasoned Hunter para sa karagdagang damage sa Lord at Turtle, gayundin sa creep clear sa unang bahagi ng laro.


Magandang item build

Credit: ONE Esports

Para makita ang tunay na potensyal ng Alpha, maganda ang pagkuha ng items na nagpapababa ng cooldowns. Pagakatpos ng Tough Boots or Warrior Boots, puwede na kumuha ng War Axe, Bloodlust Axe o di kaya namana y Hunter Strike.

Kumpletuhin ang item build sa pagbili ng defensive items. Pangunahin sa mga ito ang Brute Force Breastplate dahil sa physical at magic reduction effects nito katuwang pa ng cooldown reduction.

Dominance Ice, Antique Cuirass o Blade armor naman ang maaaring bilhin bilang panapat sa mga physical damage heroes. Samantala, Athena’s Shield o Radiant Armor ang mga opsyon depende sa uri ng magic damage ng kalaban.

Bilang insurance, Immortality ang isa sa mga pinakamatalinong kuhanin partikular na sa larong tumagal hanggang late game. Kapag malayo naman ang abante, pambihira ang kayang idagdag ng Malefic Roar at Blade Despair sa natural nang lakas ng kaniyang skillset.

Best Build para sa Alpha sa Mobile Legends

  • Tough Boots (Ice Retribution kung isa kang jungler)
  • War Axe
  • Bloodlust Axe
  • Hunter Strike
  • Brute Force Breastplate
  • Athena’s Shield

Easy combos na dapat matutunan

Credit: Moonton

Sa laning phase, buwisitn ang kalaban gamit ang Rotary Impact para sa slow at damage, at gamitin ang Force Swing at basic attacks bago gamitin ang Beta, Advance!

Pag nakuha mo na ang level four, gamiting initation skill ang Spear of Alpha at sundan ito ng Force Swing at Rotary Impact para maabuso ang passive skill ng fighter.

Pumosisyon sa bush o gumamit ng Flicker para biglain ang kalaban partikular na ang malalambot na heroes.

Interesado ka bang matutunan ang mga pangontra sa Martis? Alamin ito sa pamamagitan ng pag-click ng link na ito.

Para sa iba pang MLBB guides, i-like at i-follow lamang ang Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: 3 best hero counter para kay Brody