Isa ang Martis sa mga magandang laruin ng mga players na sabik makipagbakbakan at manguna sa frontlines sa Mobile Legends: Bang Bang.

Bagamat kabilang sa Fighter classification, pambihira ang kayang pakawalan na damage ng Ashura King lalo na kapag in-activate niya ang kaniyang ultimate na Decimation, na kargado ng true damage sa mga kalabang may 50% na lamang ang health. Nag-rereset din ito kapag nakakuha ng kill ang Martis.

Bukod dito, ginagawa siyang immune sa crowd control ng second skill niya na Mortal Coil kaya naman napakahirap makalaban ng isang magaling na Martis player sa ranked.

Kaya naman, sinilip ng ONE Esports ang ilan sa mga epektibong counter picks sa nakakatakot na Fighter.


3 mabisang pangontra sa Martis sa MLBB

Freya

Credit: Moonton

Una sa listahan ng heroes na kayang makipagbabagan sa Martis ng 1v1 ay ang Freya. Pambihira kasi ang kakayahan ng hero sa matatagal na labanan lalo na kung naka-activate ang kaniyang ultimate na Valkyrie Descent. Mas mataas din ang survivability ng hero kapag nakabuo ng angkop na defensive items.

Sa harap ng Ashura King, mainam na kumuha ng Blade of Despair para sa makipagsabayan sa damage nito. Para naman sa defensive items, mainam ang pagkuha ng Antique Cuirass para sa physical defense, o di kaya naman ay Oracle para sa karagdagang shield at cooldown reduction.

Samantala, maaaring kumuha ng Execute Battle Spell kung nais mong maklamang sa laning phase. Mainam din ang Vengeance para sa karagdagang kunat sa late game.


Phoveus

Credit: Moonton

Ang Phoveus ang pangunahing pangontra sa maliliksing heroes sa laro dahil sa kaniyang ultimate na Demonic Force kung saan nagteteleport siya palapit sa kalabang gumagamit ng dash or blinks para magpakawala ng magic damage.

Lahat ng cooldowns ng kaniyang skills ay nababawasan din ng isang segundo kapag gumamit ng directional skill ang kalaban malapit sa kaniya.

Sa madaling sabi, problema ito para sa Martis gawa ng kaniyang mobility skill na Mortal Coil, pati na rin ang kaniyang Decimation na kargado din ng dash. Ibig sabihin lang nito, maaaring maabuso ng Phoveus ang kaniyang ultimate.

Bukod dito, may angking kunat din ang hero dahil sa kaniyang Malefic terror ability na kargado ng damage sa kalaban at shield naman para sa karakter.

Kung tatapatan ang Martis, maiging kumuha ng Flame Shot para maitulak ang kalabang nasa melee range at ma-activate ang Demonic Force, o di kaya naman ay Execute para sa last hit damage.


Zhask

Credit: Moonton

Bukod-tangi ang Zhask na hero na kayang makipagsabayan sa Martis sa 1v1 situation. Mapanganib kasi ang kaniyang ultimate na Nightmaric Spawn na kaya niyang pasukan sa mga pagkakataong mababa na ang kaniyang health.

Bukod dito, masakit din kasi ang kargang damage ng ultimate ng Zhask kung kaya’t mapupuwersa ang Martis user na subukang patayin ito, o kung hindi pa nakakabuo ng defensive items ay mag-back na lamang.

Para sa users ng mage, swabe ang pagbuo ng Clock of Destiny at Lightning Truncheon para sa magic damage boost at scaling. Kapag naman bumuo ang Ashura King ng magic defense, kontrahin ito sa pagbili ng Divine Glaive para sa magic penetration.

Interesado ka rin bang malaman ang heroes na pangontra sa Brody? Basahin ang article na ito.


Para sa mas marami pang MLBB guides, sundan lamang ang Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Bane build ni R7 matapos ang pinakahuling MLBB patch