Si Brody ay isang marksman na parehong gusto at kinaiinisan ng maraming players. Ang kanyang passive ay nagbibigay sa kanya ng malalaking damage sa pag-atake. Gayunpaman, may kasamang kapalit ito, sapagkat siya ang may pinakamabagal na attack speed sa lahat nang mga marksmen sa Mobile Legends: Bang Bang.

Ang kanyang lakas sa pag-atake ay napakataas na kahit isang offensive item lang at limang defensive items ay maaaring magamit sa karamihan ng sitwasyon. Siya ay isang mahusay na kakampi at isang delikadong kalaban.

Gayunpaman, tulad ng lahat ng mga marksman heroes, maaaring matalo si Brody ng burst skills at mga heroes na merong maraming crowd control skills. Siya ay lalo pang madaling mapitas sa laning phase kapag wala pa ang kanyang Blade of Despair o Hunter’s Strike.

Narito ang ilan sa mga heroes na maaari mong piliin kapag nakaharap mo ang Lone Star sa ranked.


3 best hero counter laban kay Brody sa Mobile Legnds

Hayabusa

Hayabusa best hero counter kay Brody
Credit: Moonton

Hindi madaling matutuhan ang paggamit sa hero na si Hayabusa, ngunit ang kanyang kit ay saktong sakto laban sa sinumang marksman hero, kabilang na ang Lone Star.

Maaari niyang gamitin ang Ougi: Shadow Kill upang magdulot ng damage kay Brody nang hindi binibigyan ito ng pagkakataon na ma-stack ang kanyang passive at makapalag. Ito ay mas epektibo kapag siya ay nag-iisa.

Sa isang 1v1 situation, madali siyang malapitan gamit ang Ninjutsu: Quad Shadow, pagkatapos ay gamitin ang iyong ultimate upang bitawan ang panapos na bira. Bumalik sa isa sa iyong mga shadows para ligtas na makatakas kung sakaling siya’y mabuhay. Mahalagang hindi ka rin magtagal sa labanan laban kay Brody.

Ling

MLBB Ling core
Credit: Moonton

Si Ling ay isa pang assassin na maaaring magdulot ng problema sa Lone Star. Dahil sa kanyang iba’t ibang mobility skills, madali niyang malapitan at mabilis na patayin ito.

Ang Finch Poise ay mahusay para makatakas sa labanan kapag puno na ang stacks ni Brody sa iyo. Pagkatapos niyang gamitin ang Torn-Apart Memory at mag-cooldown ito, maaaring mabilis na bumalik sa laban si Ling gamit ang Defiant Sword upang tapusin si Brody.

Ang Tempest of Blades ay maaari ring magdulot ng problema sa pag-aapply niya ng mga stack kay Ling kung magawa mo ang Sword Field. Laging tandaan na laging gumalaw para iwasan ang Abyss Impact.

Claude

MLBB Claude
Credit: Moonton

Katulad ni Hayabusa, si Claude ay isang marksman hero na kayang tunawin ang halos lahat nang kalaban kapag nakakuha na siya ng kanyang mga core items. Sa kanyang mobility pa lang ay maaari na siyang maging pahirap sa laban kontra kay Brody.

Ang dahilan kung kaya’t si Claude ay isa sa mga pinakamaliksing heroes ay ang kanyang Battle Mirror Image at Blazing Duet combo. Kapag pumasok si Claude sa laban gamit ang ultimate na ito, maaaring subukan ni Brody na umatake pabalik sa pamamagitan ng pag-stun sa iyo gamit ang Corrosive Strike at pagkuha ng kanyang mga stack.

Sa kabutihang-palad, maaari kang mag-teleport pabalik sa iyong mirror image, malayo sa range ng Torn-Apart Memory. Sa tamang pag-timing, posisyon, at mga core items, kayang i-burst down ni Claude si Brody kapag ginamit ang Blazing Duet.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.