May bagong skin ang isa sa pinakamalalakas na assassin sa Mobile Legends ngayon.

Eksklusibong makukuha sa Double 11 event ang Shura Hayabusa skin, ang pinakabago at pinakamaangas na skin na dumating sa Land of Dawn.

Ang Shura Hayabusa skin ng Double 11 event

Credit: Moonton

Inilabas ang pinakahuling Hayabusa skin sa Youtube page ng Mobile Legends: Bang Bang, kung saan ipinasilip sa mga miron ang nakakapanindig-balahibong transpormasyon ng Crimson Shadow.

Mapapansin na ang Shura Hayabusa skin ay hawig sa hitsura ng isang bersyon ni Sasuke mula sa anime na Naruto, kung saan suot ng assassin ang dark overalls kasama ng translucent na plates sa mga braso at hita. Bukod dito, burdado din ang Hayabusa na mas pinaswabe ang overall look nito.

Pinakatampok sa balat ay ang nagbabagang mga mata ng assassin hero na kumumpleto sa kaniyang villain na anyo.


Skill effects ng Shura Hayabusa

Credit: Moonton/ Screenshot ni Jules Elona

Bilang eksklusibong Double 11 event skin, ang Shura Hayabusa ay busog sa mga pagbabago sa kaniyang skill effects, lalo na ang kaniyang ultimate na Ougi: Shadow Kill.

Gamit ang balat, nagbabato ng mga nagbabagang shurikens ang hero kapag inactive ang Ninjutsu: Phantom Shuriken. Para naman sa for Ninjutsu: Quad Shadow, nag-iiwan ang ninja ng asul an glitch trail at naglalabas ng purple na shadows.

Hindi lang sa porma maihahawig ang Shura Hayabusa sa isang anyo ni Sasuke ng Naruto anime series.

Kapag ginamit niya ang kaniyang Ougi: Shadow Kill, may lumalabas na malaking avatar na kawangis niya na kasabay niyang aatake sa kalaban. Hindi ba’t parang Senjutsu Susanoo ni Sasuke ito?

Nagsimula na ang Double11 event noong November 8, pero may oras pa para makuha ito!