Ang Frozen King, na mas kilala sa pangalang Bane, ay nakatanggap ng malaking buff sa pinakabagong patch ng Mobile Legends: Bang Bang, at merong Bane build mula na ibinahagi si Rivaldi “R7” Fatah na maaaring makatulong sa pagtaas ng rank sa kasalukuyang season.

Simula sa damage, hanggang sa survivability, tunay na pinatibay si Bane sa pinakabagong patch. Kitang-kita na sinisikap ng Moonton na muling buhayin ang hero na ito na unti-unti nang nakalimutan.

Bago tayo lumalim sa pagtalakay ng pag-build ng mga items, tutukan muna natin ang mga buff na natanggap ni Bane sa patch ng version 1.7.82.

Bane buff sa MLBB patch 1.7.82

Credit: Moonton

Passive – Shark bite

  • Nagbago ang damage mula sa dating 135%-170% Total Physical Attack na ngayon ay 100% Total Physical Attack + 5%-8% Max HP target (may scale depende sa level, ang maximum ay may 500 damage sa mga creeps)

Skill 1 – Crab Claw Cannon

  • Bounce damage na dating 150% sa lahat nang levels ngayon ay 150%-200% na
  • Hindi na tumataas ang projectile damage matapos mapatay ang target
  • Tumaas ang colldown mula sa dating 6-4s ngayon ay 8-6s na
  • Cooldown reduction sa bawat 100 physical attacks nadagdagan mula sa dating 5% ngayon ay 8% na

Skill 2 – Ale

  • Bumaba ang recovered base HP mula sa dating 200-300 ngayon ay 200 na lang sa lahat nang levels
  • Tumaas ang percentage ng lost HP recovered mula sa dating 6% + (2.5% total magic power) ngayon ay 5-10% + (1.5% total magic power) na

Bane build ni R7

RRQ Hoshi R7
Credit: ONE Esports
  • Tough Boots
  • Hunter Strike
  • Endless Battle
  • Blade of Despair
  • Malefic Roar
  • Sea Halberd

Ang unang item na dapat mong bilhin ay ang Fury Hammer, layunin nito na bigyan si Bane ng farm at laning abilities upang mabarahan ang kalaban mula sa simula.

Pagkatapos ay magpatuloy sa pagbili ng Tough Boots upang mapalakas ang Magic Defense. Maaari mong palitan ang mga ito ng Warrior Boots kung puro physical damage ang natatanggap mo sa lane.

Sa natitirang bahagi ng game, maaari mong sundan ang pagkakasunod-sunod ng mga item ng Bane build na nabanggit sa itaas. Tandaan, ang Bane build na ito ay nakatuon sa damage, kaya’t ang iyong depensa ay magiging mababa lamang.

Maging mas matalino sa pagpili ng oras ng pag-attack at pag-defend. Ngunit kung magagamit mo nang lubusan ang Bane build na ito, magugulat ka sa potential damage kayang maihatid ng Frozen King.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.