Matagal nang etsa-puwera si Minotaur hindi lang sa meta, kung hindi maging sa mga ranked game, pero salamat sa mga pagbabagong dala ng Mobile Legends: Bang Bang patch 1.7.82, nagpaparamdam na ulit ang tank hero na ‘to.

Pinalakas kasi ng bagong patch ang kanyang potensyal pagdating sa team fight at kakayahang sumuporta sa mga kakampi. In-improve ang kanyang skill set, kasama ang passive ability, para tumugma sa kasalukuyang meta.

Isa sa pinakamalakng pagbabago ay ang pagtangal sa rage bar n’yang kailangan pa punuin para makapagbitaw ng ultimate na Minoan Fury. Bukod dito, narito ang lahat ng pagbabago kay Minotaur sa sa bagong patch.



Mga Pagbabago kay Minotaur sa Mobile Legends patch 1.7.82

Solidong tank pick na si Minotaur salamat sa pinakabagong MLBB patch
Credit: Moonton

Passive – Rage Incarnate

  • Effect Revamp: Papababain ang hybrid defense ng kalaban pag nagamitan ng control effect. Papataasin ang hybrid defense ng kakampi sa loob ng dalawang segundo pag na-heal.
  • Dobloda ang epektong ito pag naka-Enraged State.

Skill 1 — Despair Stomp

  • Pinahaba ang cooldown—dating 8-5.5s, ngayon ay 12-9.5s.
  • Tinanggal ang attack speed reduction effect sa mga kalaban.
  • Bumaba ang tagal ng pagpapalakas ng basic attack at pagbawas ng movement speed ng mga kalaban—dating 3s, ngayon ay 2s.

Skill 2 – Motivation Roar

  • Pinaikli ang cooldown—dating 12-9.5s, ngayon ay 10-7.5s.
  • Natanggal ang epekto ng attack speed bonus.

Ultimate – Minoan Fury

  • Inalis ang Rage. Si Minotaur ngayon ay agad na pumapasok sa Enraged state at nagsisimula ng magpapalo sa lupa pagkatapos gamitin ang Ultimate.
  • In-adjust ang cooldown—dating 50-40s ngayon ay 60-50s.
  • Ang cooldown ay magsisimula pagkatapos matapos ang Enraged State.

Bakit solid na pick ngayon si Minotaur

Bago ang update, kailangan ni Minotaur na mag-ipon ng rage sa pamamagitan ng pakikipaglaban o pagtanggap ng damage upang ma-activate ang Minoan Fury.

Gayunpaman, tinanggal na ang ganitong kondisyon, kaya’t maaari na itong gamitin ng mga manlalaro kung kinakailangan. Mas malakas na ang kanyang presensya sa team fight dahil dito.

Ang pag-alis ng boost sa bilis ng atake at debuff sa una at pangalawang skill ng hero ay pinalitan ng hybrid defense mechanic.



Bilang resulta, malaki ang pagtaas ng depensa ng mga kakampi kapag sila ay na-heal, samantalang nagdaranas ng pagbaba ng hybrid defense ang mga kalaban kapag sila ay naii-stun.

Sa kabila ng pag-alis ng rage mechanic, dapat alalahanin na pinahaba ang cooldown ng ultimate ni Minotaur. Maging mas maingat sa paggamit nito.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ito ang mga makakalaban ng ECHO at BLCK sa group stage ng MSC 2023