Ang Starlight skin para sa buwan ng Hunyo ay ang Sanctified Flame Thamuz, isang rendisyon ng hero na malayo sa kaniyang tipikal na madilim at nakakatakot na look.

Sa unang tingin, para bang maaaring pumasa bilang isang skin sa Lightborn series ang Sanctified Flame Thamuz dahil sa makinang at maliwanag na hitsura nito.

Ito ang ikalimang skin ng Fighter kasunod ng Lord of Wraith, Liquid Fire, Abyssal reaper at General Kai.

Dahil sa kaibahan ng skin sa mga nakalipas na balat, maaari bang ito na ang pagkakataon na ilalagak si Thamuz bilang isang bayani at hindi ang kontrabida sa istorya?


Hitsura ng June 2023 Starlight skin na Sanctified Flame Thamuz at skill effects

Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Sa trailer na inilabas kamakailan ng Moonton, may dumating na pigura hawig ng Stellar Brilliance Beatrix skin na mistulang sumanib kay Thamuz. Ang resulta, nagbago ang exoskeleton ng Fighter mula sa madilim nitong dating papunta sa makinang at maliwanag na hitsura.

Ang kaniyang armor ay kumikinang gawa ng solid gold accents. Bukod dito, ang bawat detalye ng skin mula sa kaniyang claws at breastplate papunta sa kaniyang mga sungay at mga paa ay pinalamutian ng ginto.

Malayo rin ang maaliwalas na asul na apoy na pumapalibot sa kaniya sa skin na ito mula sa  pulang apoy ng kaniyang default skin. Mas binigyang-diin nito ang paglipat ni Thamuz sa kabilang panig.

Kahit pa sumailalim sa malaking transformation, kita pa rin ang kaniyang nakakatakot katangian. Ang kaniyang mga pangil na isa sa kaniyang mga signature features ay nanatiling kapansin-kapansin, gayundin ang kaniyang mga nag-aapoy na mga mata.

Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Sa bawat basic attack, nagsusummon ang Sanctified Flame Thamuz ng solid, sharp rocks galing sa ibaba ng target enemy. Kapag gumamit naman siya ng Chasm Trample, isang misteryosong simbolo na nakaukit sag into ang lumalabas sa kaniyang landing spot.

Lumalabas din ang gold wings sa itaas niya kapag gumamit siya ng kaniyang ultimate na Cauterant Inferno. Muli, napakalaking diperensiya ng effects nito mula sa kaniyang tipikal na dating. 

Maaari nang makuha ang Sanctified Flame Thamuz sa Starlight Shop simula June 1.

I-like at i-follow ang Facebook ng ONE Esports Philippines para sa iba pang balita tungkol sa Mobile Legends: Bang Bang!

BASAHIN: Top 5 MLBB epic skins sa in-game shop na dapat mo bilhin, ngayon din!