Ang Retribution ay isa sa mga 12 battle spells sa Mobile Legends: Bang Bang.

Ito ay dinisenyo para sa mga jungler, nagbibigay-daan ito sa mga gumagamit na magdulot ng true damage sa mga jungle creeps habang pinaaunti-unti nitong pinapaliit ang tinatanggap na damage mula sa mga ito.

Dagdag pa dito, ito ay nagpapataas ng gold at experience rewards na matatanggap mula sa pagpatay sa mga creeps, nagbibigay-daan ito sa mabilisang farming sa early hanggang mid game.

Bukod dito, ito ay may katangian na nagpapalakas ng epekto spell matapos makakuha ng limang creep kills o assist, pinapalakas nito ang spell batay sa iyong piniling uri ng blessing.

Ang mga blessing na ito ay may tatlong iba’t-ibang bersyon – Ice, Flame, at Bloody – bawat isa ay may natatanging epekto kapag ito ay ginamit laban sa mga kalabang mga hero.

Bilang isang jungler, dapat ay malaman mo kung aling uri ng Retribution  ang dapat mong gamitin dahil maaaring humantong sa iyong pagdomina sa laro at nagbibigay-daan ito sa iyong pagbuhat sa iyong koponan patungo sa tagumpay.

IBA PANG MLBB GUIDES
Tanggalin ang kulit ni Harith gamit ang 3 pangontra na hero sa Mobile Legends
Kontrahin si Valentina gamit ang 3 hero na ‘to sa Mobile Legends
Pataubin si Karrie gamit ang 3 counters na ‘to sa MLBB
Talunin si Irithel sa Mobile Legends gamit ang 3 best counters na ‘to
Pabagsakin si Mathilda gamit ang 3 best counters na ‘to

Ang tatlong uri ng Retribution sa Mobile Legends at kung kailan dapat gamitin ang mga ito

Ice Retribution

Mobile Legends: Bang Bang Ice Retribution icon
Credit: ONE Esports

Ang uri ng blessing na ito ay nagbibigay-daan sa iyo na agawan ng movement speed mula sa iyong target batay sa iyong level sa loob ng ilang segundo, kung saan magiging mas mabilis ka habang ang kalaban naman ay bumabagal.

I-equip ito kapag ang iyong mga kalaban ay may mataas na mobility, lalo na sa kanilang mage o marksman. Makakatulong ito sa iyo na madali silang habulin upang masiguro ang pagkuha sa mga crucial kills o tumakas mula sa kanila kapag sila ay naghahabol.

Ang Ice Retribution  ay maganda para sa karamihan sa mga assassin jungler, kabilang na sina Ling, Lancelot, at Gusion.

Fire Retribution

Mobile Legends: Bang Bang Fire Retribution icon
Credit: ONE Esports

Ito ay nagbibigay-daan sa iyo na agawin ang physical attack at magic power ng iyong kalaban sa loob ng ilang segundo. Dahil dito, mas tumataas ang iyong tsansa na manalo sa mga 1v1 situation o sa pagpitas ng mga kalaban.

Gamitin ito kung ang iyong koponan ay may maraming crowd control spells at kinakailangan mong madaling patayin ang isang kalaban sa pinakamabilis na paraan.

Ang mga hero tulad nina Hayabusa, Saber, at Helcurt ay may malaking pakinabang sa espesyal na epekto na inaalok ng Fire Retribution .

Bloody Retribution

Mobile Legends: Bang Bang Bloody Retribution icon
Credit: ONE Esports

Ang blessing na ito ay nagpapahintulot sa iyo na kunan ang HP mula sa iyong target sa loob ng ilang segundo, nagbibigay-daan ito sa iyo na magdulot ng malalaking damage habang nagre-regenerate naman ang sarili mong health.

I-equip ito kung ikaw ay isang tank jungler na nagpa-prioritize sa mga item na nagpapataas sa iyong HP. Sa tulong nito, maaari kang magdulot ng malalaking DPS sa iyong target, at tumanggap ng mas maraming damage upang protektahan ang iyong mga kakampi.

Ang mga hero tulad nina Barats, Fredrinn, Alice, tank Lancelot, at tank Karina ay ilan sa mga pinakamahuhusay na magkakaroon ng Bloody Retribution .

Bukod sa mga heroes na nabanggit, isa rin si Harley sa mga may malaking pakinabang sa blessing na ito, bagamat hindi siya isang tank jungler. Ito ay dahil sa angkop na synergy nito sa kanyang Deadly Magic ultimate, nagpapahintulot ito sa kanya na palakasin ang kanyang burst damage at siguruhing mapapatay ang kanyang target.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: 3 hero na mabisang pangontra kay Lancelot sa ‘to sa Mobile Legends