Hindi madaling talunin ang isang bihasang Irithel player sa Mobile Legends: Bang Bang.

Mayroon siyang natatanging kakayahan na nagpapahintulot sa kanya na gumalaw habang umaatake. Kaya niyang bumawas ng physical defense gamit ang kanyang Strafe, at pabagalin ang mga kalaban sa paligid niya gamit ang kanyang Force of the Queen, kung kaya’t hindi siya madaling tapatan basta-basta.

Isa pang bagay na nagpapaganda sa kanya ay ang kanyang ultimate na Heavy Crossbow, na nagpapalakas ng damage na dulot ng kanyang basic attack.

Kung ikaw ay nasa gold lane at kalaban si Irithel, huwag kang matakot, dahil may tatlong heroes na makakatulong sayo na mapatumba siya.


3 epektibong counters kay Irithel sa Mobile Legends

Brody

Brody best Irithel counter
Credit: Moonton Games

Ang isa sa mga dahilan kung kaya mainam na gamitin si Brody ay dahil maari siyang gawan ng defensive build habang nagbibigay ng matinding damage sa kalaban. Dahil sa kanyang passive, maaari niyang gawing mas malakas ang damage ng kanyang basic attack, kapalit ng kanyang mas mabagal na pag-atake.

Ang kanyang ultimate na Torn-Apart Memory, ay nagdudulot ng halos instant kill kapag may apat na stacks na ito, at walang sagot si Irithel dito. Nakakakuha si Brody na mga stack sa pamamagitan ng basic attack o pagtama ng mga skills. Ang isang full-stacked na Torn-Apart Memory ay sapat na upang patayin si Irithel, kahit pa anong level siya at ilan nang core item ang nakuha niya.

Maari ka ring pumili na unahin ang Warrior Boots at Blade Armor. Binibigay nito kay Brody ang sapat na physical defense na hanggang sa ang basic attack ni Irithel ay hindi na gaanong malakas. Bukod pa dito, ang kakaibang passive ng Blade Armor ay nagrereflect ng bahagi ng damage na kanyang idinudulot, na nagpapadali sa iyo na mapatumba siya.

IBA PANG MLBB GUIDES
Lituhin ang mga kalaban gamit ang 3 best split push heroes sa MLBB
Ano ang Trinity Build sa MLBB at bakit sikat ito sa mga marksman
3 solidong hero counters kay Jawhead sa Mobile Legends
Pataubin si Karrie gamit ang 3 counters na ‘to sa MLBB
Kahalagahan ng 3 potions at kung sulit bang bumili nito

Clint

Mobile Legends: Bang Bang Shadow Omen Clint skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Si Clint ay ang kahinaan ng bawat marksman na may maikli range. Ang kanyang unang skill na Quick Draw ay malakas kahit na sa level one pa lamang. Ang isang magaling na manlalaro ng Clint ay nagfi-freeze ng lane at pupwersahin si Irithel na umuwi sa base nang madalas.

Sa level three, ang pagpapakawala ng Trapping Recoil-basic attack-Quick Draw-basic attack combo ay sapat na para makapatay.

Ang lahat ng skills ni Clint ay mabilis at napakahirap hulaan. Ang tanging paraan upang pigilan si Clint bilang si Irithel ay hintayin ang midlaner o jungler na dumating. Sa ibang paraan, ang pinakamainam na hakbang ni Irithel ay yakapin ang tore at umasa na lamang sa makatagal sa laning.

Mas papabor pa ang laban kay Clint kung pipiliin mong unahin ang Blade of Despair bilang iyong unang item. Ang Wind of Nature rin ay isang magandang item kung ikaw ay dehado. Madaling gamitin si Clint bilang isang marksman hero, at hindi mo pagsisisihan ang pagpili sa kanya laban kay Irithel.

Lesley

Mobile Legends: Bang Bang Marksman Stellaris Ghost Lesley
Credit: Moonton Games

Si Lesley ay isang masayang hero na gamitin, at ang kanyang skill set ay simpleng gamitin. Isang assassin marksman, pinapayagan ng kanyang skill si Lesley na magdulot ng damage mula sa malayo nang hindi alam ng mga kalaban, salamat sa kanyang unang skill na Master of Camouflage.

Si Lesley ay may isa sa pinakamahabang range ng basic attack sa laro. Tuwing tatangkain ng Jungle Heart na lumapit, maaring maglakad palayo si Lesley gamit ang Master of Camouflage at bumalik na lamang kapag nasa mas ligtas na posisyon na.

Kung gagamitin mo si Lesley, ang pagbuo ng Wind of Nature pagkatapos ng iyong napiling core item ay kinakailangan, lalo na kung magtagumpay si Irithel na lumapit habang nasa kanyang ultimate. Kung ikaw ay kalaban niya at nais mong maging kumpyansa sa marksman role, si Lesley ang iyong pinakamagandang pag-asa.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito sa Mobile Legends