Sa Mobile Legends: Bang Bang, may iba’t-ibang paraan ng pag-build ng item para sa mga marksman.

Pwede magpokus sa pagbuo ng critical damage items o kumuha ng hybrid build na may ilang defensive items.

Ngunit isa sa mga sikat na build ay ang Trinity Build. Nakatuon ito sa attack speed at on-hit effects, ibang-iba sa madalas na critical at burst damage.

Sa komprehensibong gabay na ito, susuriin nating ang naturang build, at sinu-sinong heroes ba ang swak para dito.

IBA PANG MLBB GUIDES
3 dahilan bakit sulit ang Dominance Ice sa lahat ng tank
Pambihira ang kaya mong gawin gamit ang 3 advanced Yu Zhong combos
Gabay sa paglalaro ng Alpha: Best build, skills, emblem at combos
Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Faramis
Blade Armor o Antique Cuirass: Alin ang mas mahusay na physical defense item?

Ang Trinity Build sa Mobile Legends

Karrie Gill Girl skin
Credit: Moonton Games

Ang mga kailangan mo para sa build na ito ay ang tatlong key items na Corrosion Scythe, Demon Hunter Sword, at Golden Staff.

Kapag pinagsama-sama, ang mga item na ito ay nagbibigay ng malaking dagdag sa parehong physical attack at attack speed.

Bukod pa riyan, mayroon ang mga ito ng unique passive effects na sulit para sa ilang marksman.

Dagdag pa, napapalakas ng Golden Staff ang on-hit effects ng Corrosion Scythe at Demon Hunter Sword, kaya naman solidong pagpipilian ito.

Mga marksman na epektibo para sa Trinity Build

Credit: Moonton Games
  • Claude
  • Karrie
  • Melissa
  • Wanwan
  • Miya
  • Hanabi

Para sa iba pang balita at guides sa MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Painitin si X.Borg gamit ang 3 best items na ‘to