In-update nitong Disyembre 28, 5 p.m. (GMT+8): Nagdagdag ng mga kaugnay na guide.

Kung matagal ka nang naglalaro ng Mobile Legends: Bang Bang, siguradong alam mo na ang kayang gawin ng Yu Zhong sa kalaban. Isa sa mga pinakamalakas na hero pick ito sa EXP lane partikular na dahil sa kaniyang balanseng skill kit.

Pambihirang damage ang kayang gawin ng Dragon Tail at Soul Grip, habang ang Cursing Touch passive ang nagbibigay sa kaniya ng sandamukal na sustain.

Mobile Legends: Bang Bang fighter Yu Zhong wallpaper
Credit: Moonton
Kontrahin si Yu Zhong gamit ang 3 best heroes na ito sa Mobile Legends

Ngunit ang nagpapa-angat sa Fighter mula sa ibang heroes sa kaniyang class ay ang kaniyang Black Dragon Form kung saan sabay-sabay na lumalakas ang kaniyang damage, sustain at mobility.

Kung gusto mong makita ang totoo niyang potensyal, kinakailangan mong maintindihan kung paano pagsusunod-sunurin ang kaniyang skills.

Kung makakabisado mo ang Yu Zhong combos na nasa listahang ito ay siguradong mas mag-eenjoy ka lalo sa paggamit ng hero.

Ganiito paganahin ang best Yu Zhong combos sa Mobile Legends



Shock Attack: Skill 1 > Skill 3 > Skill 2 > Skill 4

Ang Dragon tail ang main damage ability ni Yu Zhong. Kung magagamit ng tama, kaya mong magpakawala ng matinding damage sa maraming heroes ng sabay-sabay.

Ang hamon lamang dito ay kaya itong maiwasan ng kalaban dahil sa short delay bago ito ma-activate.

Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Kagura sa Mobile Legends

Isang paraan para mapatama ito ay ang paggamit ng third skill niya na Furious Dive. Para magawa ito, i-cast ang first skill, at bago umikot si Yu Zhong, i-cast ang third skill papunta sa lugar kung nasaan ang iyong target. Sa paraang ito, hindi mo lamang mapapatama ang iyong damage ability, mapapatama mor in ang crowd control effects na karga ng Furious Dive.

Maaari mo itong gamitin nang harap-harapan o kung mag-fafake back para sa sorpresang atake. Pagkatapos nito, tikatikain ang kalaban gamit ang iyong Basic Attacks at gamitin ang Soul Grip para sa mas malaking damage.

MLBB 101: Ang Roam na role, mga dapat gawin, at mga hero para dito

Gamitin ang combo na ito hanggang kaya sa laning stage para ma-poke ang katapat na hero.

Maaasahan mo na magkakaroon ka ng full bar ng Sha Essence pagkatapos ng skill sequence na ito, habang susunugin naman ng Sha Residue mo ang kalaban.



CC All Day: Skill 3 > Petrify > Skill 1 > Skill 2

Kaya mong mag chain crowd-control ng mga kalaban kung matitimingan mo ang Furious Dive at battle spell na Petrify.

Para gawin ito, gamitin ang bushes at abangan ang kalaban na lumapit s aiyo. Gamitin ang third skill at mabilis na i-tap ang battle speel para ma-stun ang kalaban. Kapag nagawa mo ang Yu Zhong combo na ito, masisigurado mo na kahit pa ang mga mobile heroes ay hindi makakawala ng mabilis.

I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban sa Mobile Legends

Sundan ito ng Dragon Tail, Soul Grip at Basic Attacks bilang panapos.

Pinakamainam na targetin ang playmakers at damage dealers ng kalabang team para mabaling mo ang ihip ng laro para sa team mo pagdating ng objective takes.



Ultimate Dive: Skill 4 > Petrify > Skill 1 > Skill 2 > Basic Attacks > Skill 3

Sentro ng lahat ng matagumpay na Yu Zhong combo ang tamang paggamit ng kaniyang Black Dragon Form ultimate. Kapag tama ang activation mo ng skill na ito, maari mong sirain ang formation ng kalaban at ibaling ang laro pabor sa team mo. 

Nagkakaroon kasi ng mobility buff ang Fighter kapag nasa Black Dragon Form na makakatulong para mapasok mo ang backlines at mabulabog ang damge dealers ng kalaban.

Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito sa Mobile Legends

Para maging epektibo, alamin kung nasaan ang malalambot na kalaban bago i-activate ang ultimate. Lapitan ang mga ito habang nasa Black Dragon form at gamitin ang Petrify battle spell para sa instant stun. Gamitin ang Dragon tail para sa maximum damage.

Sundan ito agad ng Soul Grip at Basic Attacks. Ipagpatuloy ito at gamitin ang Furious Dive sa mga kalabang susubok na makatakas para makumpleto ang Yu Zhong combo.

Items para kay Novaria na dapat mong bilhin sa Mobile Legends

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita, guides at updates tungol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Kabisaduhin ang 5 Paquito combos na ito para patumbahin ang kalaban sa Mobile Legends