Si Novaria, isang mage hero na kasalukuyang sikat sa pinakabagong meta sa Mobile Legends: Bang Bang, ay ang pinakamagandag opsyon para sa mid lane players, pro man o non-pro.  

Bilang isang mage hero, pwede magamit si Novaria sa iba’t-ibang roles. Ngunit depende ito kung paano siya lalaruin.

MLBB Novaria
Credit: Moonton

Kasalukuyang sikat si Novaria bilang isang option sa mga roamer at mid laner, ayon sa kaniyang pangunahing trabaho bilang support.  

Kaya hindi ka dapat magkamali sa pagpili ng mga item niya para sa kanya kung nais mong manalo.  

IBA PANG MLBB GUIDES
Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Floryn sa Mobile Legends
Pambihira ang kaya mong gawin gamit ang 3 advanced Yu Zhong combos na ito
I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban sa Mobile Legends
Lituhin ang mga kalaban gamit ang 3 best split push heroes sa MLBB
Abilities ni Ixia sa Mobile Legends: Magpakawala ng matinding damage nang hindi gumagalaw!

Mga must-have item para kay Novaria sa MLBB na hindi mo dapat palampasin

MLBB Novaria

Ang bagay na kailangan mong isipin ay ang mga skills ng hero.  

Mayroong dalawang mandatory item para kay Novaria na hindi mo dapat palampasin. Ang una ay ang Enchated Talisman. Gumagana ito para magamit ni Novaria, isang spam skill type na hero, ang Mana Spring effect upang makapag-regenerate ng 15 percent ng Mana kada 10 segundo. Siyempre mayroong mas maikling CD sa item na ito.  

MLBB Novaria Enchanted Talisman
Credit: Mobile Legends:Bang Bang, ONE Esports

Ang item na tinatawag ding “Book” ay isang mandatoy item din para kay Novaria dahil kapag naubusan ka kaagad ng mana, hindi mabisa ang gameplay at game plan ng hero na ginagamit mo.  

Maliban sa Enchanted Talisman, kabilang din ang Ice Queen Wand. Kinukuha ang item na ito para sa bonus magic attack at para pabagalin ang kalaban.  

MLBB Novaria Ice Queen Wand
Credit: Mobile Legends: Bang Bang, ONE Esports

Ang Ice Queen Wand ang main choice, dahil sa slow effect nito sa mga kalaban na natatamaan ng atake. Krusyal ito para sa ultimate skill ni Novaria na utility type.  

Ganito rin pagdating sa mga roamer at support players, kailangan din nila ang mga item na ito sa tuwing sumusuporta sa team fights.  

Iba pang mga supporting item na maari mong gamitin ay ang Genius Wand para mapataas ang magic power at movement speed.  

Bukod diyan, pwede mong i-equip ang Divine Glaive, Arcane Boots, Clock of Destiny, at Winter o Lightning Truncheon.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang gabay sa MLBB. 

BASAHIN: Plano nila OhMyV33nus at Wise na maglaro sa MPL PH Season 12. Ngunit nangyari ito