Mahalagang matutunan ang Roger combos kung gusto mong makita ang tunay na kakayahan ng marksman hero. Isa ang karakter sa pinakamadulas at pinakamalupit na finisher sa Mobile Legends: Bang Bang dahil sa kaniyang pambihirang skills.

Pangunahing rason kung bakit ganito na lamang kalakas ang Roger ay dahil sa kaniyang Wolf Transformation ability kung saan kaya niyang magbagong-anyo papunta sa kaniyang human at wolf forms, o vice versa. May kaniya-kaniya ding handog na skills ang dalawa niyang anyo.

Maaari kang mang-poke ng kalaban gamit ang Open Fire at Hunter’s Steps sa human form, o di kaya naman ay mang-harass gamit ang Lycan Pounce at Bloodthirsty Howl sa melee range.

Mobile Legends: Bang Bang marksman/fighter Roger
Credit: Moonton

Ngunit para maging epektibo hawak ang hero, kinakailangan mong matutunan kung paano at kalian papaganahin ang kaniyang skills.

Sa guide na ito, matutunan mo ang ilan sa pinakamainam na Roger combos na maaari mong magamit para pinsalain ang sinumang matatagpuan mo sa mapa.



Ganito paganahin ang best Roger combos sa Mobile Legends

Kite and jump Roger combo

‘Di gaya ng karamihan ng heroes sa laro, lima ang skills na maaari mong magamit hawak ang marksman/fighter na puwede mong gamitin para gawin ang primerang trabho ng hero sa laro— mang-chase at pumatay ng kalaban.

Para gawin ito, maganda na simulan ang pag-kite sa kalaban gamit ang iyong human form abilities. Pagkaraan ay puwede mo na silang tapusin gamit ang iyong wolf form skills para patuloy na ma-prco ang Full Moon Curse Passive.

Sa puntong iyon, mas mapanganib na ang iyong Basic Attacks dahil kargado ito ng damage katumbas ng ilang pursyento ng lost HP ng iyong target.

Magsisimula ang Roger combo na ito sa pamamagitan ng paglapit gamit ang Hunter’s Steps, at pagkurot sa HP ng kalaban gamit ang Open Fire at Basic Attacks. Kung may sapat kang items, makikita mong bababa na sa halos kalahati ang HP bar ng kalaban mo.

IBA PANG MLBB GUIDES
Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Aldous sa Mobile Legends
Abilities ni Ixia sa Mobile Legends: Magpakawala ng matinding damage nang hindi gumagalaw!
Top 5 Emblems at Talents na OP sa bagong emblem system ng Mobile Legends
Listahan ng Mobile Legends ranks at kanilang mga antas
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito sa Mobile Legends

Dito mo na puwedeng lantakan ang kalaban gamit ang iyong wolf form. Pindutin ang Wolf Transformation ultimate at siguraduhing nakatutok ito kung nasaan ang kalaban.

Mabilis na i-trigger ang Bloodthirsty Howl para mapabilis ang Attack Speed at pagkakalmutin ang kalaban gamit muli ng Basic Attacks. Bilang panapos, gamitin ang Lycan Pounce at mas marami pang Basic Attacks.



Tower Dive Combo

Dahil sa abilidad ng hero na mang-hunt ng kalaban, may mga pagkakataon na matatagpuan mo ang iyong sarili na napapalalim sa enemy base at nasa range ng tore.

Kung hindi mo maiiwasan ang mga atake nito ay siguradong sa base ka maghihintay para mag-respawn. Buti nalang , may Roger combo ka na puwedeng gamitin para mapigilan mangyari ito.

Kung mag-didive ka ng tower para sa kill, siguraduhing nasa wolf form ka sa chase at sapat ang lapit mo sa kalaban para makatama ng skill. Mapupunta sayo ang aggro ng tore kapag lumapit ka sa field of vision nito, at aatakihin ka nito ng maraming ulit hanggang hindi ka nakakalabas ng range nito.

Maaari mong ma-dodge ang mga atake nito gamit ang Lycan Pounce ability. Bago tumama ang turret attack, i-activate ang skill papunta sa malapit na kalaban. Kapag tama ang timing mo, ma-dododge mo ang turret attack at makaka-damage ka sa target mo sa proseso.

Para makumpleto ang Roger combo, gamitin ang Wolf Transformation para makabalik sa human form at magamit ang Hunter’s Steps para makalabas ng range ng turrent. Kung tatamaan ka ulit ng atake ng tore ay kaya mo ito tanggapin dahil sa extra shield mula sa Ultimate.



Fast jungling Roger combo

Kaya maganda si Roger sa jungler role ay dahil sa kaniyang pambihirang mobility. At hindi lamang ang paggamit ng Hunter’s Steps ang maaari mong gamitin para maabuso ang kakayahan ng hero.

Ang best Roger combo para sa junglers ay nakabase din sa lohika na nabanggit kanina— gamitin mo ang lahat ng skills mo sa human at wolf forms para maabuso ang Full Moon Curse passive.

Para magawa ito, gamitin mo palagi ang second skill at ultimate mo kapag available ang mga ito para makarating ng jungle camps ng mabilis. Pinakamaganda kung darating ka sa camps sa iyong human form.

Mobil Legends: Bang Bang Phantom Pirate Roger
Credit: Moonton

Tirahin ang creeps ng Basic Attacks ng hindi bababa sa dalawang ulit bago magbagong-anyo. Unang i-activate ang Bloodthirsty Howl para sa mas mabilis na Basic Attacks. Pagkatapos nito ay siguradong mababa na ang HP bar nito, sapat para matapos ng Lycan Pounce.

Tapusin ang Roger combo na ito sa pamamagitan ng pagbalik sa human form para gamitin muli ang Hunter’s Steps. Maaari mo ring gamitin ang ultimate mo galing human form papunta sa wolf form para lundagan ang mga pader at mas mabilis na makarating sa susunod na camp.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita, guides at updates tungol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Lituhin ang mga kalaban gamit ang 3 best split push heroes sa MLBB