Kasabay ng maraming pagbabago na baon ng Mobile Legends: Bang Bang patch 1.7.94 ay ang pinakabagong item sa equipment list sa laro— ang Starlium Scythe.

Pinalitan ng bagong item ang dalawang mage offensive items na Calamity Reaper at Shadow Twinblades.

Kinuha ng bagong item ang malalakas na effects na dala ng naunang dalawang mage items. Binibigyan nito ang hero ng magic power, cooldown reduction, at mana regeneration. Bukod dito, karga din ng Starlium Scythe ang eight percent hybrid lifesteal na pumalit na mechanic sa magic at physical lifesteals.

Ngunit ang pinakamalaking bentahe ng nasabing item ay ang kaniyang passive effect na Crisis na pinapalakas ang kill potential ng hero na hawak ito. Kakargahan ang hero ng true damage katumbas ng magic power at adisyunal na movement speed sa loob ng ilang segundo pagkatapos bumitaw ng skill.

Bagamat magandang buuin sa karamihan ng heroes, swak ang item sa piling iilan. Sinu-sino nga ba sila?

Best heroes na buuan ng Starlium Scythe sa Mobile Legends

Harith

Credit: Moonton

Mas dumali ang laro ngayon para sa Harith mains.

Bago ang update, tipikal ang pagbuo ng Calamity Reaper sa mobile mage pagkatapos na pagkatapos ng Magic Shoes. Swak kasi ang 100 mana, six Mana Regen, 10% Cooldown Reduction at 70 Magic Power na galing sa dating item.

Kung susumahin, halos ganito rin ang kayang ibigay na stats ng Starlium Scythe, at mas pinalakas pa gawa ng Hybrid Lifesteal. Pinapataas nito ang abilidad ng mage na maging mas makulit sa lane sa early game. Bukod dito, mas mataas din ang kaniyang kill potential dulot ng Crisis passive.

Gaya ng dating build route para sa Harith, dapat mabuo ang Starlium Scythe ng mabilis pagkatapos ng Magic Shoes. Maaari itong sundan ng Feather of Heaven at Holy Crystal para sa pambihirang magic damage output.

IBA PANG MLBB GUIDES:
Kabisaduhin ang 5 Paquito combos na ito para patumbahin ang kalaban sa Mobile Legends
Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Ixia
3 dahilan bakit sulit ang Dominance Ice sa lahat ng tank
Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Alpha
Athena’s Shield o Radiant Armor? Alamin kung ano ang dapat bilhin na item in-game at kailan

Aamon

Credit: Moonton

Isa pang perpektong buuan ng Starlium Scythe ang assassin/mage na si Aamon. Sakto kasi ang dagdag na attributes ng item para dominahin ang kaniyang mid-game papunta sa late game.

Hindi man malaki sa paningin ang six mana regeneration at 10% cooldown reduction, sapat ito para mapagulong ang kaniyang snowball.

Maganda ring kombinasyon ang Crisis passive sa kaniyang skill combo. Pagkatapos ibato ang Slayer Shards at makalapit sa kalaban, maaari niyang gamitin ang Basic Attacks niya na kargado ng True Damage para tunawin ang malalambot na heroes.

Pati ang mas makukunat na roamers at fighters ay hindi ligtas sa damage na kayang pakawalan ng Aamon na may Starlium Scythe. Ito ay lalo na kapag napatama niya ang kaniyang Soul Shards at Endless Shards ultimate.

Para magawa ito, maaaring buuin ng players ang Starlium Scythe bilang pangatlong item ng hero kasunod ng Genius Wand, at pumili sa pagitan ng Glowing Wand o Feather of Heaven depende sa kalabang heroes.

Karina

Credit: Moonton

Si Karina ang pangunahing nakinabang (at literal na may hawak) ng Shadow Twinblades. Mas matikas kasi ang hero dahil sa Magic Lifesteal, 75 Magic Power and five percent Movement Speed, bukod pa sa passive ng item na Assassin na pinakati ang kaniyang Basic Attack.

Ngayong wala na sa laro ang Shadow Twinblades, sinigurado naman ng Moonton na hindi dapat mag-alala ang Karina mains dahil kayang tapatan ng Starlium Scythe ang kayang ibigay ng naunang item.

Gaya ng Harith, maaaring abusuhin ng Karina ang Hybrid Lifesteal para pumunit ng malalambot na heroes at manatiling buhay ng mas matagal sa mga labanan.

Malaki pang rason kung bakit swabe ang item kay Karina ay dahil sa perpektong kumpas ng Crisis passive mula sa item at ng kaniyang passive na Shadow Combo na parehong nagkakarga ng True Damage sa kaniyang Basic Attacks.

Magandang kuhanin sa lalong madaling panahon ang item, at mas paigtingin ang kaniyang damage sa pamamagitan ng pagkuha ng Holy Crystal o Concentrated Energy para mabilis na tunawin ang kalabang marksmen o mages.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita, guides at updates tungol sa Mobile Legends.

BASAHIN: 3 best heroes na pwedeng gamitan ng Basic Common Emblem sa Mobile Legends