In-update nitong Disyembre 21, 2:30 p.m. (GMT+8): Nagdagdag ng mga kaugnay na guide.

Bagaman hindi gaanong napapansin si Ixia sa Mobile Legends: Bang Bang kumpara sa iba pang marksman heroes, matinding kapangyarihan ang kanyang itinatago na kayang makipagsabayan sa isang buong koponan nang mag-isa.

Sa laning phase, mahirap harapin si Ixia dahil sa kanyang lifesteal sa kanyang passive na Siphon Starlium.

Gayunpaman, ang tunay na bangungot ay nagsisimula kapag umabot na siya sa level four. Ang kanyang ultimate, ang Full Barrage, ay may kakayahang walisin ang lahat ng nasa harap nito sa isang malaking lugar, tulad ng ultimate ni Yve na Real World Manipulation.

Upang gawing mas malala ang sitwasyon, immune si Ixia sa lahat nang mga crowd control effect habang ang Full Barrage ay aktibo, na nagpapahirap pa sa pagharap laban sa kanya.

Kung naghahanap ka ng angkop na mga hero na kokontra sa rclight Outlaw, tingnan ang mga sumusunod na mga hero.

IBA PANG MLBB GUIDES
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito sa Mobile Legends
Athena’s Shield o Radiant Armor? Alamin kung ano ang dapat bilhin
MLBB 101: Ang Roam na role, mga dapat gawin, at mga hero para dito
Blade Armor o Antique Cuirass: Alin ang mas mahusay na physical defense item?
War Axe kay X.Borg? Alamin kung bakit sobrang OP ng hero-item combo na ito

Tatlong malupit na hero counters kay Ixia sa MLBB

Tigreal

Credit: Moonton Games

Una sa aming listahan ay ang paboritong tank hero ng lahat, si Tigreal.

Bagaman hindi niya kayang talunin si Ixia sa mga team fight, ang dahilan kung bakit isa siya sa mga best hero counter sa marksman ay ang kakayahan niyang itulak ito palayo tuwing ginagamit niya ang Full Barrage, na nagbibigay-daan sa iyong mga kasamahan na makatakas sa malaking area of effect ng ultimate.

Ang kanyang passive ay nagpapahintulot din sa kanya na bawasan ang ilang damage mula sa basic attack ni Ixia, na siya nitong inaasahan.

Sa labang ito, simulan sa pagbuo ng Dominance Ice upang bawasan ang lifesteal sa kanyang passive, at saka piliin ang mga item na may physical defense tulad ng Antique Cuirass o Blademail.

Lolita

Lolita Impish Trickster skin
Credit: Moonton Games

Ang isa pang tank hero na magandang pantapat laban kay Ixia ay si Lolita.

Dahil ang kanyang mga basic attack ay itinuturing na mga projectile, maaari niyang harangan ang karamihan sa mga ito gamit ang kanyang skill na Guardian’s Bulwark. Kasama dito ang bawat paggamit niya ng Full Barrage, dahil ang karamihan sa damage ng ultimate ay nagmumula sa mga basic attack ni Ixia.

Ang kanyang single-target stun sa Charge! ay malaki rin ang epekto, dahil wala namang mobility skills ang Arclight Outlaw.

Siguraduhing gamitin ang Charge! sa unang bahagi ng mga team fight bago pa siya magkaroon ng pagkakataong gamitin ang Full Barrage.

Kapag aktibo ang kanyang ultimate, magtago sa isang lugar kung saan hindi ka makikita at ihanda ang iyong Neumenon Blast ultimate. Sa pagtatapos ng ultimate ng Arclight Outlaw, ang Neumonon Blast ay magkakaroon ng stun sa kanya, nagbibigay ng pagkakataon sa iyong mga kasamahan na mag-counterattack.

Claude

Credit: Moonton Games

Kung naghahanap ka ng isang matatag na marksman, piliin si Claude.

Siya ay maaaring pumasok at lumabas ng labanan nang madali dahil sa kanyang skill na Battle Mirror Image, isang bagay na mahihirapan si Ixia na labanan dahil lahat ng kanyang mga skill ay may target na kailangang abutin, at ang kanyang Full Barrage ultimate ay maaaring tumarget lamang ng mga kalaban sa harap niya.

Kapag ginamit na niya ang kanyang ultimate, si Claude ay maaaring pumunta sa likod niya gamit ang Battle Mirror Image at i-activate ang Blazing Duet upang mag-burst down at hindi bigyan pa ng pagkakataon na lumaban.

Kung sakaling mahuli pa rin siya ni Ixia, maaaring i-activate niya ulit ang Battle Mirror Image upang bumalik sa kanyang orihinal na posisyon.

Bigyang prayoridad ang Demon Hunter Sword dahil hindi siya gaano malakas na makapagdulot ng damage nang wala ang item na ito. Pagkatapos nito, maaari kang pumili ng Golden Staff kung nakakalamang ka o Wind of Nature kung dehado ka.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: 3 pinakamalakas na mage heroes pangontra sa marksman sa Mobile Legends