Sino nga ba ang best gold lane mage hero sa Mobile Legends: Bang Bang?

Tipikal na marksman heroes ang nakatoka sa gold lane, habang ang mage heroes naman ay matatagpuan sa mid lane. Gayunpaman, may ilang mage heroes sa Land of Dawn na kayang makipagbakbakan sa gold lane, lalo na pangontra sa marksmen sa laro.

Heto ang tatlo sa pinakamalalakas na gold lane mage heroes na maaaring gawing sagot sa marksman heroes.

3 gold lane mage heroes na mabisang pangontra sa marksman heroes sa Mobile Legends

Lylia

Mobile Legends mage hero Lylia
Credit: Moonton

Ang gold lane Lylia ay isa sa mga sumikat na heroes sa gold lane habang patuloy na umiiral ang dominasyon ng marksman heroes sa meta.

Maganda kasi ang skills niya bilang pang-punish sa mga kalabang wala sa posisyon, at kargado din siya ng kill potential kung kaya’t solidong pangontra ito sa malalambot na kalaban.

Ani pa nga ng Indonesian analyst na si Mochammad Ryan “KB” Batistuta, kaya daw ng Lylia na tapatan halos lahat ng marksman sa Land of Dawn.

IBA PANG MLBB GUIDES:
Top 3 counter picks sa Dyrroth sa Mobile Legends
3 dahilan bakit sulit ang Dominance Ice sa lahat ng tank
MLBB 101: Ang EXP laner role, mga dapat gawin, at mga hero na swak dito
3 pinakamalakas na hero counters kay Melissa
Ito ang tips ni FlapTzy para maging isang magaling na Arlott player

Pharsa

Credit: Moonton

Sumunod sa listahang ito ang Pharsa. Bagamat tipikal na nakikita ang Wings of Vengeance na nagrereyna sa mid lane, maaari din niyang dalhin ang kaniyang lakas gawa ng kaniyang long-ranged skills tulad na lamang ng Feathered Airstrike.

Ang kinaganda pa sa gold lane Pharsa ay ang kaniyang angking mobiity kung kaya’t maraming marksman ang hirap na makatapat ito lalo na kung walang kasamang crowd control support.

Valentina

Mobile Legends: Bang Bang Archmagister Valentina skin wallpaper
Credit: Moonton

Isa ang Valentina sa mga pinaka-ayaw na kaharap ng teams sa pro play, at may rason kung bakit ganito na lamang ang prayoridad niya sa pick and ban phase. Flexible kasi ang hero na maaaring ilagay sa halos lahat ng lanes, at kabilang na dito ang gold lane.

Liban sa kaniyang abilidad na gayahin ang ultimate ng kalaban, pambihira ang kayang gawin ng Arcane Shade at Shadow Strike skills ng hero kung kaya’t isa rin siyang mabisang pangontra sa marksman heroes.

Para sa mas marami pang MLBB guides, sundan lamang ang Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Alpha sa Mobile Legends