Lahat ng hero sa Mobile Legends: Bang Bang ay kani-kaniyang kahinaan. Totoo ito kahit pa kontra sa isa sa pinakadominanteng hero sa laning phase na si Dyrroth.

Sa Land of Dawn, kilala ang Prince of the Abyss sa pinaka-agresibong fighters sampu ng kaniyang pambihirang offensive abilities.

Pangunahin na dito ang kaniyang Wrath of the Abyss passive na kargado ng healing, at ang kaniyang Spectre Step na nagbibigay sa kaniya ng abilidad na mabilisang ma-close ang gap kontra sa kalaban sa lane.

Bukod pa riyan, ang kaniyang Abysm Strike ay delikado sa sinumang hero na bababa ang HP sa 40%.

Gayunpaman, may heroes na kayang pumigil sa kaniyang dominasyon. Inilista ng ONE Esports Philippines ang tatlo sa mga pangunahing opsyon para mapatid ang Dyrotth ng kalabang team.

IBA PANG MLBB GUIDES
Gawin ang 3 advanced Alpha combos na ‘to para maging Terminator ng Mobile Legends
3 mabisang pangontra kay Gatotkaca sa Mobile Legends
4 na roaming blessings sa Mobile Legends at best heroes para sa mga ito
Top 5 Emblems at Talents na OP sa bagong emblem system ng Mobile Legends
Listahan ng Mobile Legends ranks at kanilang mga antas

3 heroes na pangontra sa Dyrroth sa Mobile Legends

Guinevere

Guinevere Psion of Tomorrow best hero counter kay Terizla
Credit: Moonton Games

Pangunahin sa listahan ng counter heroes sa Dyrotth ang Guinevere. Bakit ka’nyo? Ito ay dahil sa kaniyang mobility at damage na kayang sumabay sa dominanteng fighter sa lane.

Ang kaniyang Spatial Migration at Violet Requiem combo ay kargado ng pambihirang damage partikular na sa early game. 

Kung susubukang makikipagpukpukan ang Dyrotth sa lane, maaaring gamitin ng Guinevere ang Spatial Migration para maglabas-pasok sa laban at biguin ang tangka ng katapat.

At dahil hindi lock on target skill ang Abysm Strike ng Prince of the Abyss, maaaring mag-counter attack ang Guinevere kapag na-activate na ito at combohan ng talon at ultimate.


Argus

Mobile Legends: Bang Bang Catastrophe Argus wallpaper
Credit: Moonton Games

Totoong napakakati ng damage na kayang pakawalan ng isang Dyrroth at kaya nitong tumunaw ng HP bar lalo na ang mga low health heroes. Dito swak ang kit ng Argus.

Maaaari kasing i-active ng hero ang kaniyang ultimate na Eternal Evil para i-convert ang damage ng Dyrroth papunta sa HP at magsagawa ng counter offensive sa dulo ng laban.

Bukod dito, kaya ring makipagsabayan sa larangan ng damage output ang Argus sa early game kung kaya’t hindi magagawa ng Dyrroth mains ang tipikal na pagdodomina sa laning phase.

Kung gusto mong patikimin ang Prince of the Abyss ng sarili niyang lason, piliin ang Argus!


Saber

Saber Iron Hound skin Mobile Legends Wallpaper
Credit: Moonton Games

Bangungot ang dala ng isang Saber kapag nakuha na niya ang kaniyang level four, at hindi liban dito ang Dyrroth. Ang full combo ng Orbiting Sword at Triple Sweep ay sapat para patumbahin ang sinumang hero sa early game lalo pa’t wala pang defensive items ang mga ito.

Kung pipili naman ng defensive items ang kalabang fighter sa paggulong ng laro, swak pa rin ang tama ng Saber dahil sa kaniyang passive na Enemy’s Bane kung saan napapababa nito ang physical defense ng target hero.

Kung haharap sa Dyrroth, mabisang-mabisa ang tatlong heroes na ito bilang counter picks dahil sa swak nilang skill kits.

Gayunpaman, mainam pa ring manmanan kung ano ang playstyle at item pick ups ng kalabang fighter para mai-adjust ang diskarte at build.

Para sa iba pang guides sa MLBB, sundan lamang ang Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Guide sa bagong MLBB Emblem System: Tuklasin ang pinakamagandang talents at settings!