Importante ang pagsagawa ng Alpha combos kung gusto mong ma-maximize ang potensiyal ng cyborg na ‘to. Isang sikat na hero pick ang fighter sa Mobile Legends: Bang Bang, at para ito sa tamang rason.

May matinding sustainability at crowd control skills ang Blade of Enmity, pati na rin ang kaniyang damage na pwede mong gamitin para ma-kontrol ang bilis ng laro.

Posible ang lahat ng ito dahil sa kaniyang passive na Beta, Advance! na hinahayaan kang makapag-summon ng kaniyang kasamahan na si Beta para makapagdulot ng totoong damage at mapabagal ang iyong target bawat tira mo sa kanila gamit ang skill mo.



Kahit gamit mo man ang Rotary Impact, Force Swing, o ang kaniyang ultimate na Spear of Alpha laban sa mga kalaban, hindi ka lang magdudulot ng instant na physical damage at damage per second (DPS) sa bawat tira, makapagdudulot ka rin ng True Damage sa kanila.

Ngunit para maging isang killing machine ang Cyborg na ito, dapat alam mo kung paano ma-sequence nang tama ang kaniyang mga skills. Sa gabay na ito, matututunan mo kung paano gawin ang advanced Alpha combos.



Paano gawin ang best Alpha combos sa Mobile Legends

Displacement combo (Flicker + Ultimate)

Ang Spear of Alpha ang isa sa pinaka-best initiation abilities sa laro at kaya nitong matulak ang resulta ng isang team fight sa iyong pabor kung na-tyempuhan at naisagawa nang tama.

Kapag ginamit mo ang ultimate ng fighter na ito, ikaw at ang Beta ay magdudulot ng damage sa enemy targets sa bawat tira at maidadala mo sila sa isang landing na lokasyon, para masira ang kanilang formation.

Aasahan ka ng mga beteranong kalaban na I-a-activate mo ang skill na ito bawat oras na may team fight. Kaya naman magkakaroon ng mga oras na kapag ginawa mo ang skill na ito na off angle, hindi ito gaanong epektibo.

MLBB Alpha combos
Credit: Moonton

Ngunit may isang paraan para masigurado mong perpekto ang pagsagawa mo ng skill mo – gamit ang Flicker.

Para maisagawa ito ng perpekto, kailangan mong siguraduhin na gagamitin mo ang battle spell nang nasa likod ng enemy target, at mabilisan mong gagamitin ang iyong ultimate para maakit ang mga kalaban papalapit sa iyong kakampi o sa mga turret.

Hindi lang masisigurado ng Alpha combo na ito na nasa perpektong anggulo ka bawat oras, ngunit maari mo ring gulatin ang kalaban lalo na kung ikaw ay manggagaling sa isang bush.



IBA PANG MLBB GUIDES
Ang 4 na roaming blessings sa Mobile Legends at best heroes para sa mga ito
3 mabisang pangontra kay Gatotkaca sa Mobile Legends
Mga item na dapat mong bilhin para kay Novaria sa Mobile Legends
I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban
Lituhin ang mga kalaban gamit ang 3 best split push heroes sa Mobile Legends

Chase Combo (Skill 1 + Ultimate + Skill 2)

Iilang heroes lamang ang kayang kumalaban sa iyo sa isang one versus one na sitwasyon lalo na kung mayroon kang tamang items, kaya naman mapapansin mo na kadalasan ang mga enemy heroes ay lalayo sa tuwing makikita ka sa mapa.

Para maisagawa ang Alpha combo na ito, dapat mong gawin ang iyong first skill manually sa enemy na hinahabol mo. Hindi laman magdudulot ng damage ang Rotary Impact sa iyong target ngunit mapapabagal niya rin ito para matira mo pa ito ng mga susunod mong skills.

I-activate ang iyong ultimate para maisara ang distansya, at mabilisan mong gamitin ang iyong pangalawang skill. Dapat nang naubos ng Spear of Alpha at Force Swing ang HP bar ng kalaban, lalo na kung isang squishy marksman o mage ang iyong target.

Ipagpatuloy mo ang iyong damage gamit ang unang skill, Basic Attacks at ang pangalawa mong skill. Tandaan na kung mas marami kang skills na magamit sa kalaban, mas matindi ang True Damage Beta na madudulot nito sa kanila.

Kunin ang best result ng Alpha Combo na ito sa pamamagitan ng pag-equip ng items na ito sa hero mo: Hunter’s Strike, War Axe, at Bruteforce Breastplate.



Crowd Control Combo (Ultimate + Skill 2 + Petrify) 

Kung kulang sa crowd control ang team mo at inaasahan kang mag-initite ng team fights, may isang Alpha combo na pwede mong gamitin.

Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagkuha ng Petrify battle spell at sa paghalo nito kasama ang Spear of Alpha.

Mula sa isang bush, I-anggulo mo ang iyong ultimate para matamaan mo ang iilang targets sa isang cast. Pagkatapos ay dapat mabilisang mong ma-activate ang iyong Force Swing para makapagdulot ng mas matinding damage at ma-slow ang kalaban.

MLBB Alpha combos
Credit: Moonton

Pagkatapos niyan ay gamitin mo ang iyong Petrify spell para instant na ma-stun ang kalaban. Makapagbibigay ng karagdagang oras ang Alpha combo na ito sa kakampi mo para maka-pwesto nang maayos para makapagdulot ng damage sa kalaban.

Pagpatuloy mo ito gamit ang Rotary Impact at Force Swing kung available ang mga ito. Gumamit din ng Basic Attacks para sa maximum damage output.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang gabay sa MLBB.

BASAHIN: Ang 7 pinakapoging Mobile Legends heroes