Sa paglaki ng roster ng characters sa Mobile Legends: Bang Bang, mas dumadami rin ang mga poging heroes. Ngunit sino ang mananaig sa listahan namin ng mga pinakapoging Mobile Legends heroes? 

Dahil sa pag-pokus ng Moonton sa kanilang hero aesthetics, maasahan ng mga players na may darating pang mga pogi sa kinabukasan.

Ngunit sino kaya ang pinak-gwapo sa ngayon?

MLBB GUIDES
War Axe at Brute Force Breastplate: Ang iyong susi sa MLBB ranked games
Gusto mangwasak gamit si Karrie? Siguruhing meron ka nitong 3 core items
Sabi ni KarlTzy, gamitin mo ang 3 heroes na ‘to para makapag-Mythical Glory
3 best heroes pangontra kay Lylia sa Mobile Legends
I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang mga kalaban

Top 7 na pinakapoging Mobile Legends heroes 

7. Alucard 

MLBB Alucard pinakapoging mobile legends heroes
Credit: Moonton Games

Ang epitome ng boy next door look, sikat sa masa si Alucard sa Mobile Legends.

Mayroon siyang maikling kulot na blonde hair, makapal na kilay, baby blue na mga mata, at isang matulis na jawline.  

MLBB Alucard Romantic Fantasy
Credit: Moonton Games

Sa katunayan, sa sobrang charming ni Alucard, ginawan siya ng Moonton ng isang Valentine’s Day skin na ang tawag ay “Romantic Fantasy,” kaya hindi na nakapagtataka na kasama siya sa aming listahan ng pinakapoging Mobile Legends heroes.

6. Lancelot

MLBB Lancelot
Credit: Moonton Games

Isang Mobile Legends hero na ang signature voice line ay “Time to witness the handsome!”, tiyak na totoo talaga ito para kay Lancelot.  

Umuubod ng confidence mula sa ulo hanggang paa, mukhang pinagpaguran ni Lancelot ang kaniyang itsura. Mukhang mas magaling pa siya sa pag-maintain ng kaniyang kulot na blonde hair kaysa kay Odette!

5. Natan 

MLBB Natan
Credit: Moonton Games

Kung ganiyan ang itsura ni Natan matapos lumabas ng isang time machine, talagang wala na tayong pag-asa.

Isang lalaki ng science at mahika, talagang napaka-pogi niya sa kaniyang futuristic suit.

Hindi ka pa ba nakumbinse? Tignan mo ang kaniyang Time Wilder skin, at magpapatunay talaga ito na intelligence is sexy!

4. Roger

MLBB Roger
Credit: Moonton Games

‘Wag husgahan ang isang libro ayon sa kaniyang cover. At sa kaso ni Roger, ‘wag husgahan ang hero base sa kaniyang Mobile Legends splashart. 

Sa kaniyang base skin na Dire Wolf splashart, ang kaniyang galit na facial expression, sideburns, balbas, at mustache ay naghahalintulad sa kaniya sa X-Men superhero ng Marvel na si Wolverine.  

Ngunit nagbago ang lahat ng ‘yan matapos ang kaniyang in-game Mobile Legends visual update.  

Kaya naman sinama namin siya sa listahan ng mga pinakapoging Mobile Legends heroes!

3. Fredrinn

Credit: Moonton Games

Ano pa ba ang kulang sa listahang pinakapoging Mobile Legends heroes? Isang rebel roque na may award na “Cockiest Grin” sa Land of Dawn! 

Si Fredrinn ang may-ari ng isang magarbong, steampunk-inspired na establisyamento na pinangalan sa kaniyng sarili.  

Bagamat marami siyang pera, tila’y wala siyang budget para bumili ng damit. At hindi kami nagrereklamo!

2. Xavier

MLBB Xavier
Credit: Moonton Games

Tulad ni Satoru Gojo, si Xavier ay may tungkulin pumili sa pagitan ng duty o konsensiya.

Mahal namin ang kaniyang mahangin na pagtingin, malawak na balikat, at iba pa!


1. Aamon 

MLBB Aamon
Credit: Moonton Games

Kung naging isang tao ang Blue Eyes White Dragon ng Yu-Gi-Oh, si Aamon na talaga ito.

Ang kuya ni Gusion, isang assassin si Aamon. Sa kaniyang opisyal na titulo na “Duke of Shards,” hindi kami magtataka kung bakit mukha siyang hari.

Kaya siya ang #1 sa pinakapoging Mobile Legends heroes!

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MLBB.

BASAHIN: Ang 4 na roaming blessings sa Mobile Legends at best heroes para sa mga ito