Kabilang si Karrie sa mga pinakamalalakas na marksman heroes sa Land of Dawn.

Ramdam ang kanyang presensya sa Mobile Legends: Bang Bang sa parehong professional at amateur scene, na naka-reflect sa mataas na pick at ban rate niya.

Ang gold laner na si Benedict “BennyQT” Gonzales ay isa sa mga pinakapopular na gumagamit ng Karrie na nagpapakita kung gaano kahalimaw ang marksman hero na ito. Bilang resulta, mas madalas na natin siyang nakikita sa mga ranked games ang Yasson Lightwheel wielder.

IBA PANG MLBB GUIDES
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito sa Mobile Legends
Athena’s Shield o Radiant Armor? Alamin kung ano ang dapat bilhin
MLBB 101: Ang Roam na role, mga dapat gawin, at mga hero para dito
Blade Armor o Antique Cuirass: Alin ang mas mahusay na physical defense item?
War Axe kay X.Borg? Alamin kung bakit sobrang OP ng hero-item combo na ito

Simula noon, maraming mga builds ang naglipana na nagsasabing ito ang “best” o “strongest” na naroroon.

Para sa mga nagsisimula nang gumamit ng Karrie at nagtatanong kung aling build ang gagamitin upang mapataas ang kanyang potential damage, inilista namin ang tatlong must-buy item na dapat meron ka sa iyong inventory.

3 core items sa iyong Karrie item build

Corrosion Scythe

Ang Corrosion Scythe ay isa sa mga core items ni Karrie
Credit: ONE Esports

Ang Corrosion Scythe ay isang magandang item para sa pagpapabagal ng mga kalaban at pagtaas ng iyong attack speed nang sabay.

Maliban sa karagdagang physical attack, movement speed, at attack speed, ito rin ay nakakaapekto sa mobility at depensa ng iyong kalaban.

Demon Hunter Sword

Ang Demon Hunter Sword ay isa sa mga core items ni Karrie
Credit: ONE Esports

Si Karrie ay isang anti-tank marksman hero. Ang kanyang passive skill na Lightwheel Mark ay nagbibigay ng true damage base sa maximum HP ng kalaban, kaya’t wala siyang problema sa pagpunit sa mga nakakairitang tank.

At ano pang mas mabuting paraan upang gawing mas epektibo ang passive skill na ito kundi ang samahan ito ng isang anti-tank item? Ang unique passive ng Demon Hunter Sword na Devour ay nagbibigay ng 9% ng kasalukuyang HP ng target bilang additional physical damage. Ibig sabihin, mas maraming HP mayroon ang kalaban, mas malaking damage ang kanilang tatanggapin.

Golden Staff

Ang Golden Staff ay isa sa mga core items ni Karrie
Credit: ONE Esports

Ang Golden Staff ay isa sa mga pangunahing item na nagbibigay ng attack speed at unique passive na nababagay kay Karrie. Ito ay nagiging sanhi ng pag-activate ng Lightwheel Mark sa kalaban sa bawat ikatlong basic attack, kaya’t kinakailangan lamang ng tatlong basic attacks upang ma-trigger ito.

Maaari mong pagsamahin ang mga ito sa iba pang mga item tulad ng Endless Battle, Wind of Nature, Windtalker, depende sa iyong playstyle.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: 3 best heroes pangontra kay Lylia sa Mobile Legends