Si Lylia, ang Little Witch, ay isang pilyang black magician sa Mobile Legends: Bang Bang

Dahil sa kaniyang kakaibang abilidad, mahusay siya sa pagbagal at pagtira ng kaniyang mga kalaban gamit ang kaniyang Shadow Energy-Magic Shockwave combo.

Kayang-kaya niyang makapag-maniobra sa mga kalaban, salamat sa kaniyang bonus movement speed na binigay ng kaniyang Angry Gloom passive.

Sa mga mahihirap na sitwasyon, kaya niyang takasan ang kamatayan gamit ang ultimate na Black Shoes. Hinahayaan nitong makabalik siya sa kaniyang lokasyon, ma-restore ang kaniyang health at mana points, at maibalik ang Shadow Energy charges.

Ngunit squishy siya at umaasa sa Purify para makapag-cast ng Black Shoes kung nakontrol na ito. Pag-isipang gamitin ang mga heroes na ito kung kakalabanin mo siya sa Land of Dawn.

IBA PANG MLBB GUIDES
Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Aldous sa Mobile Legends
Abilities ni Ixia sa MLBB: Magpakawala ng matinding damage nang hindi gumagalaw!
Top 5 Emblems at Talents na OP sa bagong emblem system ng Mobile Legends
Listahan ng Mobile Legends ranks at kanilang mga antas
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito sa Mobile Legends

Tatlong malakas na pangontra kay Lylia sa Mobile Legends

Chou

Isang fighter hero na may nakakamatay na combo at solid na crowd control, kayang-kaya patumbahin ni Chou si Lylia sa digmaan.  

Kapag nakamit mo na ang level four bilang si Chou, maari mo na siyang kalabanin. Umpisahan ang combo gamit ang unang dalawang sipa ng Jeet Kune Do, at mag-cast ng Shunpo para masara ang distansya.

Mobile Legends: Bang Bang ECHO Chou skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Tirahin si Lylia gamit ang pangatlong sipa ng Jeet Kune Do para mapatumba siya nang nasa ere. Tapusin ito gamit ang The Way of Dragon. 

‘Wag kang madismaya kung gumamit siya ng Purify at Black Shoes. May mabilis na cooldown ang The Way of Dragon, kaya maari mo pa itong subukan muli. 

Para ma-maximize ang iyong damage potential, bumuo ng Blade of Heptaseas at Blade of Despair. Gamit ang dalawang opensib na items na ‘to, kayang-kaya mo siyang mapatumba gamit ang combo. 

Lancelot 

Ang kakaibang skill set ni Lancelot ay hinahayaan siyang makagalaw nang mabilisan at matira ang mga squishy heroes na nasa backlane, tulad ni Lylia. 

Kapag namataan mo na siya, umpisahan ang iyong atake gamit ang Puncture para maka-dash sa mga enemy minions at masara ang distansya sa kaniya. I-follow up ito gamit ng Thorned Rose para magdulot ng matinding damage, at tapusin siya gamit ang Phantom Execution.

Royal Matador Lancelot
Credit: Moonton Games

Kung na-trigger niya ang Black Shoes, habulin siya gamit ang Puncture. Kung isa kang jungler, gamitin ang Ice Retribution para mapabagal siya at mapigilan ang kaniyang pagtakas. 

Bumili ng Blade of Heptaseas, Blade of Despair, at Endless Battle para ma-boost ang iyong damage, at para magkaroon ng pagkakataon mapatumba siya gamit lamang ang Thorned Rose at basic attacks. 

Kung hindi available si Lancelot, gamitin sina Ling, Natalia, at Helcurt. 

Kaja 

Isang matinding pangontra si Kaja laban kay Lylia dahil sa kaniyang ultimate na Divine Judgment, na nagdudulot ng isang suppression effect na hindi makokontra ng Purify. Gamit ito, maari mo siyang mapigilang gamitin ang Black Shoes. 

Hulihin siya gamit ang Divine Judgment, at dalhin siya sa iyong mga kakampi gamit ang Lightning Bomb. Tirahin siya ng Ring of Order at enhanced basic attack mula sa Wrath Sanction para magdulot ng damage, habang tinitira siya ng mga kakampi mo.

Mobile Legends: Bang Bang Skyblocker Kaja skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Kung naglalaro ka bilang isang roamer, bumili ng Athena’s Shield o Radiant Armor para mabawasan ang kaniyang magic damage. Kung isa ka namang side laner o mid laner, bumili ng Calamity Reaper, Genius Wand, at Holy Crystal para ma-boost ang iyong magic output. 

Maari mo ring piliin si Franco kung hindi available si Kaja, dahil sa kaniyang suppression sa ultimate niya na Bloody Hunt. 

I-follow at i-like ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang gabay tungkol sa Mobile Legends. 

BASAHIN: MLBB 101: Ang Roam na role, mga dapat gawin, at mga hero para dito