Kung may isang hero sa Mobile Legends: Bang Bang na kayang pumatay ng kalaban gamit ang isang atake, ito ang Aldous. Ito rin ang rason kung bakit isa siya sa pinakasikat na fighters sa Land of Dawn.

Ang matinding scaling ng kaniyang physical damage ay dulot ng kaniyang first skill na Contract: Soul Steal na nag-eenhance ng kaniyang basic attack. Bawat minion, creep o hero na napapatay niya ay permanenteng nagpapalakas ng kaniyang damage.

Sa pamamagitan ng Contract: Chase Fate ultimate, kaya niyang man-target ng kahit sinong kalaban sa mapa. Tumutulong naman ang kaniyang ikalawang skill na Contract: Explosion para humuli ng kalaban, o ‘di kaya naman ay makaalis sa mga delikadong sitwasyon.

Ngunit gaya ng lahat ng heroes sa laro, may kahinaan ang Soul Contractor. Ang tatlong hero sa listahang ito ang may posibilidad na pumigil sa kaniya.


Best hero counters kay Aldous sa Mobile Legends

Argus

Mobile Legends: Bang Bang Catastrophe Argus wallpaper
Credit: Moonton

Kayang pumalag ng Aldous kahit pa dumako na sa late game. Ito ay dahil sa kaniyang ultimate na Eternal Evil na nagtatanggal ng lahat ng debuff sa kaniya at immunity sa death sa ilang segundo, kung saan kaya niyang bawiin ang nawala niyang buhay.

Kung gagamitan ka ng Chase Fate ng Aldous, mainam na antayin mo siyang gamitin ang knock back ability niya bago mo pindutin ang Eternal Evil. Susubukang makalayo sayo ng kalaban, at dito mo na puwedeng gamitin ang Demonic Grip para makalapit.

Mas padaliin ang pagpunit sa kalabang hero sa tulong ng kakamping may crowd-control abilities.


IBA PANG MLBB GUIDES
Maganda ba ang Blade of Despair para kay Ixia? Oo raw sabi ng pro MLBB player na ito
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito sa Mobile Legends
3 best heroes na pwedeng gamitan ng Basic Common Emblem sa Mobile Legends
Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Jawhead sa Mobile Legends
Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Faramis sa Mobile Legends

Nana

Mobile Legends: Bang Bang fighter Wind Fairy Nana wallpaper
Credit: Moonton

Huwag maliitin ang Nana bilang pangontra sa Aldous.

Kapag nag-cast kasi ang fighter ng Chase Fate, maaari mong gamitin ang Molina Smooch malapit sa target niya. Kapag lumapag ito ay matra-transform siya papunta sa isang mabagal na hayop kung kaya’t epektibo ito para pigilan ang kaniyang Soul Steal combo.

Sa pagkakataong ito ay maaari mo na siyang atakihin kasama ng iyong mga kakampi. Gamitin ang Molina Blitz ultimate sa puntong susubok siya na tumakas.

Kung ikaw naman ang tinarget niya ng kaniyang ultimate, ilagay mo lang ang Molina Smooch sa lugar kung saan ka pupunta. Maaari ka ring bumuo ng Winter Truncheon para sa extra safety kung naka-cooldown ang Molina Smooch o ang Molina’s Gift passive.


Masha

Mobile Legends: Bang Bang Dragon Tamer Masha
Credit: Moonton

Gamitin ang Howl Shock para pigilan siyang makapag-stack gamit ang Soul Steal, at subukang siyang harasin sa lane gamit ang enhanced Basic Attacks mula sa Wild Power.

Panatiliing may three HP bars para masiguradong mabubuhay ka sa pagkakataong ikaw ang gagawin niyang target ng Chase Fate.

I-cast ang Thunderclap para makapagpakawala ng matinding damage. Muling i-activate ang Howl Shock para mapigilan siyang maka-atake gamit ang Soul Steal sa 1v1 situation.

Para sa item build, puwede kang bumuo ng Demon Hunter Sword para sa lifesteal, at physical defense items tulad ng Antique Cuirass at Dominance Ice. Kaya ng full build Masha na makasabay sa Aldous na may 500 stacks.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang MLBB guides, balita at updates!

BASAHIN: Listahan ng Mobile Legends ranks at kanilang mga antas