Mas lalakas ba ang Ixia kung may hawak na Blade of Despair?

Kung nasubukan mo ng laruin ang pinakabagong hero sa Mobile Legends: Bang Bang pagkatapos ang update, malaki ang tiyansa na nakita mo na, o nagawa mo ng buuan ng attack speed items ang marksman.

Maganda kasi ang epekto ng speed items katulad ng Corrossion Scythe at Demon Hunter Sword para ma-proc ang kaniyang passive na Siphon Starlium ng mas mabilis. Ito rin ang rason kung bakit kasama ang items na ito sa pre-made item builds.

Gayunpaman, nadiskubre ng BTK pro player na si Ian “FwydChickn” Hohl na hindi pala dapat laging attack speed items ang inuuna kapag hawak ang hero.



Bakit Blade of Despair ang dapat mong unahin para kay Ixia sa Mobile Legends

Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Kasunod ng paglabas ni Ixia sa laro, naglabas din ng video si FwydChickn tungkol sa kaniyang mga saloobin sa paglalaro ng bagong marksman.

Inamin niya na malakas ang Arclight Outlaw sa early game dulot ng kaniyang Siphon Starlium passive. Gayunpaman, binanggit niya na dapat unahin ang Blade of Despair sa kaniyang item progression.

“Her healing and her passive scale very heavily on pure damage and lifesteal. So my thought process is to just go big damage like Blade of Despair because her passive is her main damage source,” aniya.

Karga ng BOD ang pinakamataas na physical damage output sa lahat ng items sa laro sa 160 physical attack damage, bukod pa sa 5% movement speed.



Malaki rin ang epekto ng kaniyang unique passive na binibigyan ang hero ng adisyunal na 25 % physical attack sa loob ng dalawang segundo kapag kaharap ang mga kalaban na mababa na sa 50% ang health bars.

Dagdag pa dito, ipinahayag din ni FwydChckn ang kawalan niya ng interes sa pagbuo ng attack speed items sa marksman dahil makukulangan ng damage nito bagamat mas madalas mag-proc ang passive nito.

May punto naman ang pro dahil 150% physical attack scaling ang epekto ng Siphon Starlium kung kaya’t pambihira ito kung masasabayan ng physical attack damage item tulad ng BOD.

Best build para kay Ixia sa Mobile Legends, ayon kay FwydChickn

  • Swift Boots
  • Blade of Despair
  • Corrosion Scythe
  • Windtalker

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita, updates at guides tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Hayabusa sa Mobile Legends