Isa si Hayabusa sa pinakamasakit at pinakamadulas na heroes sa Mobile Legends: Bang Bang.

Kitang-kita ang mala-halimaw niyang lakas konra sa single target gawa ng kaniyang passive, Ninjutsu: Trace Shadow na kayang lagyan ng marka ang kalaban at pataasin ang kaniyang damage output kada tama ng kaniyang Basic Attack. 

At kapag nabuo na ang apat na marks ay pambihirang damage ang kaya niyang pakalawan kapag in-activate niya ang kaniyang Ultimate na Ougi: Shadow Kill.

Samantala, ang Ninjutsu: Quad Shadow naman ang kaniyang skill para makalabas-masok ng labanan bago niya bigyan ng Phantom Shuriken at tika-tikain ang patuloy na lumalakas na Basic Attack.

Gayunpaman, may heroes na swak bilang pangontra sa madulas na ninja.

Heto ang 3 pinakaepektibong hero counters kay Hayabusa sa MLBB

Sun

Sun Simian Curse Skin Mobile Legends wallpaper
Credit: Moonton

Ang Sun ang isa sa mga nagpapasakit ng ulo ng single-target burst heroes, gay ana lamang ng Hayabusa.

Maaari kasing magpalabas ng doppeganger ang hero gamita ng Endless Variety o Swift Exchange, bukod pa sa mas malakas na clone hangon sa Colne Techniques kung kaya’t madaling maiwasan ang pambihirang damage ng Shadow Kill.

Bukod dito, kaya din kasing iwasan ng Sun ang Basic Attacks ng kalabang assassin kapag gumamit ng Swift Exchange o di kaya naman ay ng Clone Techniques dahil may maikling delay na untargettable siya kapag na-activate ang mga ito.

Para tuluyang mabura ang pangarap ng Hayabusa mains, gumamit ng Instantaneous Move para habulin ang hero, ngunit kung kailangan mong sumibat sa laban ay gamitin ang Endless Variety o Swift Exchange.

IBA PANG MLBB GUIDES
Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Alpha sa Mobile Legends
Bakit dapat i-master si Esmeralda ng lahat ng EXP laners sa MLBB
Mobile Legends Emblem system guide: Lahat nang talents at best emblem setup
Paano i-counter si Diggie sa Mobile Legends 
Lahat nang kelangan mong malaman tungkol kay Ixia, ang bagong marksman hero ng MLBB

Saber

Saber Iron Hound skin Mobile Legends Wallpaper
Credit: Moonton

Kung magagawa ng tama ang kaniyang skill combo kaalinsabay ng tamang item build, kayang-kaya ng Saber na pumatay ng sinumang hero sa isang iglap.

Kapag pumasok ang Hayabusa sa laban, maaaring i-cast ng user ang Orbiting Swords-Charge-Triple Swipe combo para mabilisang burahin ang assassin. Mabisang magtago sa mga bush para sa sorpresang attack at i-lock ang kalaban para siguradong ang ninja ang matatamaan.

Kumuha ng Blade of Heptaseas at sundan ito ng Hunter Strike, Malefic Roar at Blade of Despair para sa pambihirang damage output.

Khufra

Khufra Volcanic Overlord skin Mobile Legends wallpaper
Credit: Moonton

Isa ang Khufra sa pinaka-nakakainis na tank hero na mabisang pangontra sa Hayabusa. Ang second skill niya kasi na Bouncing Ball ay kayang pigilan ang paglipat ng hero sa kaniyang shadows.

Kapag nag-cast ang assassin ng Quad Shadow, gamitin ang Bouncing Ball para mapurnada ang tangka nitong tumakas. Ihampas ang ninja sa malapit na wall gamit ang Tyrant’s Rage.

Sa pagkakataong nahuli ang Haya ay mapupuwersa itong gamitin ang kaniyang Shadow Kill na kaya mong tiisin lalo na kung mayroon kagn Dominance Ice at Antique Cuirass.

Para sa iba pang guides sa MLBB, sundan lamang ang Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Athena’s Shield o Radiant Armor? Alamin kung ano ang dapat bilhin na item in-game at kailan