Isang salita lamang ang bukam-bibig ng Pinoy MLBB gamers kapag nakalusot ang Saber sa enemy draft.

Awit.

At tunay naman talagang mapapa-awit ang sinumang tatapat sa Wandering Sword. Bukod sa napakabilis at napakadaling skill combo nito, explosive damage din ang kayang ibigay ng Saber sa kapus-palad na hero na makakatagpo nito.

Pero hindi na kailangang mangamba ng RG gamers, dahil may mga heroes na maaaring maging epektibo bilang Saber counter. At kung mamamaniobra ng maayos, kaya pa ngang puguin ng heroes na ito ang assassin hero sa lane.


Gaano kalakas ang Saber sa MLBB patch 1.5.96?

Credit: Moonton

Naging solidong pick ang Saber sa RG matapos ang ibinigay na buff sa kaniya sa first phase ng Project: NEXT. Bukod dito, matindi rin ang naging epekto ng paglabas ng bagong item na War Axe sa patch 1.5.88 na swabe ang impact sa kaniyang kit.

Ayon sa pinakahuling MLBB Stats, pangalawa sa pinakamataas na ban rate ang saber na nagtala ng 68.11%, habang pang-18 naman sa pick rate na may 1.67%.


3 heroes na maaaring maging Saber Counter picks

Argus

Credit: Moonton

Una sa listahang ito si Argus dahil sa direktang counter ng ultimate ability nito sa Wandering Sword. Matatandaang ang bentahe ng meta assasin ay ang abilidad nitong pumitas ng mabilisan gamit ang kaniyang ultimate na Triple Sweep.

Dahil sa ultimate ni Argus na Eternal Evil, hindi magiging matagumpay ang Saber na gawin ito kaya naman pangunahin itong Saber counter pick.

May death immunity ang Argus pagkatapos ma-activate ng kaniyang special skill, kasama pa ng makating damage dala ng kaniyang offensive skills na Demonic Sword at Metoric Grip na kayang pumunit sa Wandering Sword.

Gatotkaca

Credit: Moonton

Hindi madalas makita ang Gatotkaca ngayon sa GOLD lane ngunit hindi maikakaila ang tibay at lakas nito kung itatapat sa Saber. Kumpara sa Argus, hindi kayang sabayan ng Gatot ang Triple Sweep, ngunit mataas ang potensiyal ng hero na maka-resbak kapag naka-survive.

Sa sitwasyong ito, ang passive ni Gatotkaca na Stell Bones ay ma-aactivate. Mabibigyan ang hero ng boost sa basic attack kasama pa ng extra magic damage at lifesteal na siguradong magiging makati para sa kalabang assassin hero.

Bagamat mahirap gawin ito sa laning dahil madalas na nasa jungler at gold laner position ang assassin hero, magandang konsiderasyon pa rin bilang Saber counter pick ang Gatotkaca.

Benedetta

Credit: Moonton

Isa pa ang hero na Benedetta  na maaaring makatapat ng maayos sa Wandering Sword. Malaking parte nito ang abilidad ng hero na ma-cancel ang ultimate ni Saber, gayundin ay i-stun ito gamit tiyempong Eye For an Eye.

Malakas ding Saber counter pick ang Benedetta kung pukpukan ang pag-uusapan. Mataas ang scaling pontential ng hero, at kung sasamahan pa ng tamang items, maaaring mapahiya ang Wandering Sword sa late game.

Gayunpaman, maraming practice ang kailangan para tiyempuhan ang malupit na Eye For an Eye dodge kontra sa Triple Sweep

BASAHIN: Dapat bang bigyan ng tiyansa ang Phoveus matapos ang Mobile Legends patch 1.5.96?