In-update nitong Setyembre 21, 6 p.m. (GMT +8): Nagdagdag ng mga kaugnay na guides.

Gaya ng ibang fighter heroes sa Mobile Legends: Bang Bang, hindi nakadepende sa mana si Paquito para paganahin ang kaniyang skills. Imbis, cooldowns ang naglilimita sa mga ito.

Kaya naman, ang diperensiya ng magaling na Paquito player sa pangkaraniwan lamang ay ang abilidad ng manlalaro na paganahin ng tuloy-tuloy ang kaniyang skill combos.

Para maging dominanteng puwersa gamit ang hero, krusyal na alamin mo kung paano isagawa ang kaniyang mga combo na maaaring magdikta ng iyong performance sa laro.

IBA PANG MGA GABAY PARA KAY PAQUITO
ML Basic Build sa Paquito: Madaling Item Build at Guide sa Jungle Paquito
Ganito laruin ang Paquito sa MLBB: Skills, emblem, best builds at combos
3 heroes na pangontra kay Paquito sa Mobile Legends

Ganito paganahin ang best combos kay Paquito sa Mobile Legends

Credit: Moonton

Bago matutunan ang kaniyang combos, mainam na i-turn on ang Assisted Aiming Mode sa Settings menu. Matutulungan ka kasi nito para ma-target ng mas madali ang kalabang heroes kapag gumagamit ng skills.

Iba ang usapan kapag nasa loob ka ng team fight kung saan maraming heroes sa paligid. Mas mainam sa pagkakataon na ito na gamitin ang maual aim para mapatama ang skills.

At para mas madaling matandaan ang pagkakasunod-sunod ng skills, papangalanan namin ito base sa kung pang-ilan itong skill ni Paquito.



2-1-3-3 combo

Maaari mong gawin ang combo na ito kahit wala kang stacks ng passive na Paquito na Champ Stance.

Kapag pinihit mo ang 2-1-3-3 combo, mapapagana mo ang ultimate niya na Knockout Strike, gayundin ang enhanced version nito na kayang magpakawala ng sandamukal na damage sa kalaban habang ito ay nasa ilalim ng crowd control effects.



2-3-2-1 combo

Gawin ito kapag isa lamang ang stack ng Champ Stance.

Dahil ang Heavy Left Punch ang huling skill sa combo na ito, magkakaroon ng ka ng shield sa dulo ng sequence. Bibigyan ka nito ng pagkakataon na makasalag ng damage mula sa kalaban at magsimula ulit makipagbakbakan.


IBA PANG MLBB GUIDES
Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Ixia sa Mobile Legends
Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Faramis sa Mobile Legends
Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Alpha sa Mobile Legends
Top 3 counter picks sa Dyrroth sa Mobile Legends
3 best hero counter para kay Jawhead


2-2-1-3 combo

Gawin ito kapag may two stacks ka ng Champ Stance.

Burst damage ang karga ng skill combo na ito gawa ng enhanced version ng Jab na kayang magpatumba ng malalambot na kalabang heroes.



3-2-1-3-3 combo

Maari mong i-perform ang cobmo na ito kapag may full stacks ka na na Champ Stance.

Magkakaroon ka kasi ng pagkakataon na i-activate ang Knockout Strike ng tatlong ulit na susuma ng pambihirang physical damage sa target, bukod pa sa kakayahan nitong pigilan ang pag-activate ng abilities ng kalaban.



2-2-1-3-2 combo

Isa pang advanced combo na epektibo kapag may full stacks ka ng passive ay ang 2-2-1-3-2 combo.

Kung gusto mong tapusin ng mabilis ang kalaban, ito ang dapat mong gawing sequence para sa pambihirang burst damage duot ng pitik ng dalawang enhanced version ng Jab.

Para iba pang tips at guides sa MLBB, sundan lamang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Eksklusibo: Ang underrated EXP lane hero na ito ang kelangan mo para magpataas ng rank, ayon kay Fluffy