Ang mga EXP lane hero ay may napakahalagang role sa hanay ng bawat koponan sa Mobile Legends: Bang Bang, na nagsisilbing epektibong tagadepensa at tagapagbigay ng damage sa isang game.

Dahil may higit sa 40 na mga hero na maaaring pagpilian sa role na ito, may ilang mga hero na nakakatanggap ng mas kaunting atensyon at playtime.

Gayunpaman, malakas na naniniwala ang beteranong pro player na si Regi “Fluffy” Marviola na may isang partikular na hero na karapat-dapat sa mas maraming pagkilala at pagpapahalaga kahit pa mas mababa ang kanyang popularidad sa EXP lane sa mga ranked at professional games.

IBA PANG MLBB GUIDES
Tanggalin ang kulit ni Harith gamit ang 3 pangontra na hero sa Mobile Legends
Kontrahin si Valentina gamit ang 3 hero na ‘to sa Mobile Legends
Pataubin si Karrie gamit ang 3 counters na ‘to sa MLBB
Talunin si Irithel sa Mobile Legends gamit ang 3 best counters na ‘to
Pabagsakin si Mathilda gamit ang 3 best counters na ‘to

Ang nakakatakot na Mobile Legends jungle hero na ‘to ay maaaring maging epektibong EXP lane hero, ayon kay Fluffy

Paquito EXP lane hero
Credit: Moonton

Sa isang eksklusibong panayam ng ONE Esports, sinabi ni Fluffy na ang EXP lane hero na siyang sobrang lakas sa kasalukuyang Mobile Legends: Bang Bang meta ay walang iba kundi si Paquito.

“The latest patch is enough to boost his strength, moreover he is my main hero,” sabi niya.

Dati, si Paquito ay pangunahing ginagamit bilang isang jungler, dahil ang lahat ng kanyang mga skills ay walang epekto sa mga minions.

Ang patch 1.7.94 ay nagdala ng maliliit ngunit makabuluhang pagbabago sa Heavenly Fist, na nagpapahusay sa kanyang pagiging epektibo kapag ginagamit sa EXP lane.

Bukod sa kanyang unang skill na Heavy Left Punch na ngayon ay nagbibigay na sa kanya ng isang shield kapag siya ay sumuntok sa mga creeps, ang kanyang pangalawang skill na Jab ay nagdudulot na rin ngayon ng damage sa mga minions sa pagdaan nito.

Ang maliit na pagbabago sa kanyang pangalawang skill ay naging dahilan kung kaya’t itinuturing na siyang isang banta sa EXP lane, dahil maayos na niyang naki-clear ang mga minions sa laning phase.

Credit: Moonton

Bukod pa rito, ang nagpahusay kay Paquito sa kasalukuyang meta ay ang katunayan na siya ay isang natural counter para sa dalawang resurfaced na mga hero matapos ang emblem system revamp: Uranus at Esmeralda.

Ang mabilis at malakas na damage ni Paquito ay natural na kumakontra sa mga tank EXP heroes na ito.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: Madaling Item Build at Guide sa EXP Lane Paquito na Marksman-slayer