Taglay ang pambihirang mobility at damage capability, isa ang Harith sa pinakamahirap kalabanin na hero sa Mobile Legends: Bang Bang. Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na walang paraan para patahimikin ang hero.

Ang kaniyang abilities na Chrono Dash at Zaman Force ang nagbibigay sa kaniya ng kakayahan na makaiwas sa mga atake ng kalaban. Kasama pa ng kaniyang passive na Key Insight na nagbabawas ng crowd control effects sa kaniya, mahirap talagang hulihin ang hero.

Kahit ganito, may ilang heroes sa Land of Dawn na hindi gugustuhing makaharap ng Time Traveler. Hawak ng heroes na ito ang pambihirang suppression abilities na kayang pumutol sa gaslaw ng mage.


Heto ang tatlong heroes na mabisang pangontra kay Harith sa MLBB

Khufra

Khufra Volcanic Overlord skin Mobile Legends wallpaper
Credit: Moonton Games

Magandang pangontra ang Khufra sa Harith dahil taglay ng hero ang perpektong kombinasyon ng crowd control abilities at kunat. Kaya niyang pigilan ang mage na magamit ang kaniyang dash papasok at palabas ng team fights, kung kaya’t mapupurnada ang kaniyang kakayahan na magpakawala ng damage.

Swabe ang Tyrant’s Revenge at Bouncing Ball combo para mapatid si Harith kapag gagamit siya ng Chrono Dash. At kung may kasama ka sa team na heroes na kayang magpakawala ng burst damage, siguradong mapapahamak ang mage.

Kung matatago sa backlines ang Leonin, puwede mo siyang hulihin gamit ang Tyrant’s Revenge at Tyrant’s Rage combo. Siguraduhin mo lang na mauuntog mo siya sa pinakamalapit na wall para sa mas mabisang crowd control.

Natural na kinakailangan mong bumuo ng magic defense items para makontra ang kalabang hero. I-konsidera ang pagkuha ng Radiant Armor, o di kaya naman ay Athena’s Shield.

PALALIMIN ANG KAALAMAN TUNGKOL SA MLBB ITEMS SA PAMAMAGITAN NG GUIDES NA ITO
Athena’s Shield o Radiant Armor? Alamin kung ano ang dapat bilhin na item in-game at kailan
Bakit ang Athena’s Shield ang best magic resist item sa Mobile Legends

Kaja

Kaja Skyblocker
Credit: Moonton

Kung may isang butas sa skill kit ni Harith, ito ay ang kaniyang kahinaan sa Supression abilities. Isa sa mga suppression abilities sa laro ang Divine Judgement ni Kaja na kayang gawing bangungot ang salang ng mage sa Land of Dawn.

Kapag na-supress ang Leonin, epektibong maaalis ang lahat ng kaniyang potensyal na maging factor sa laro, kung kaya’t isa sa mga pambihirang pangontra sa hero ang Kaja.

Bukod sa ultimate ng support/fighter, maganda ring pang-poke at pang-harass ang Ring Order ability niya sa laning phase, para pabagalin ang itemization ng mage.

Para epektibong mapurnada ang Harith, kailangan mong masaktuhan ang activation ng ultimate mo. Gamitin mo ang bush sa lane para sa ambush at hilahin siya papunta sa iyong koponan gamit ang Lightning Bomb. Kung gusto mong mas mabilis na magawa ito, gumamit ng Flicker Battle Spell.

IBA PANG MLBB GUIDES
Paano ma-access ang Offline Mode sa Mobile Legends
Patumbahin si Granger sa MLBB gamit ang 3 best hero counters
Kailangan mo ng fast fingers para gamitin si Nolan sa MLBB
Paano i-customize ang iyong profile page sa Mobile Legends
Paano itago ang match history sa Mobile Legends

Minsitthar

Mobile Legends: Bang bang fighter Minsitthar wallpaper
Credit: Moonton Games

May dahilan kung bakit pinaka-ayaw na hero na makalaban ng dash heroes si Minsitthar. Bukod-tangin kasi ang kaniyang skill set na kayang gawing easy target ang tipikal na malalambot na dash heroes, kagaya na lamang ng Harith.

Unang panganib ang kaniyang Spear of Glory at Shield Assault na kayang magpataw ng crowd control effects. Ngunit ang pinakamakamandag na skill ng fighter ay ang kaniyang King’s Calling ultimate.

Kapag na-activate ito, hindi makakagamit ng dash ang heroes na nasa loob ng activation area. Ibig sabihin, hindi magagamit ng Harith ang kaniyang Chrono Dash, kahit pa ma-activate niya ang kaniyang Zaman Force.

Dahil alam ng isang marunong na Harith user ang bantang ito, kinakailangan mong husayan ang skill sequence mo bilang Minsitthar. Kung gusto mo agad makulong ang mage, gumamit ng Flicker papalipit sa kaniya at i-activate ang ultimate.

5 pinakamatinding Flicker ultimate combos na pwedeng gawin sa Mobile Legends

Maaari mo ring buksan ang intiation gamit ang Spear of Glory. Kapag napatama mo ito, agad na gamitin ang Shield Assault at ang ultimate para sa mas epektibong crowd control.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Gawing bulldozer si jungle Baxia gamit ang 3 best items na ‘to sa MLBB