Isa sa magagandang paraan para ipakita ang iyong mga tagumpay at paboritong heroes sa Mobile Legends: Bang Bang ay ang pag-ayos ng profile page section.

Ang parteng ito ay makikita ng lahat, at angsisilbing inisyal na impresyon kapag sinilip ng ibang players ang iyong profile.

Binigyan ng Moonton Games ang mga manlalaro ng oportunidad na i-personalize ang kanilang profile. Gamit ito, pwede mong i-display ang iyong preferred hero, skins, at mga achievement na nakamit mo.

Narito ang isang guide kung paano i-customize ang iyong profile at bigyan ito ng isang unique touch.

IBA PANG MLBB GUIDES
Kabisaduhin ang 5 Paquito combos na ito para patumbahin ang kalaban
Ano ang Smart Targeting at paano ito gamitin
3 best heroes na sulit gamitan ng Basic Common Emblem
3 pinakamalakas na pangontra kay Dyrroth
Divine Glaive o Genius Wand? Kailan mo dapat bilhin ang 2 magic penetration items na ‘to

Pwede mong ilagay ang iyong paboritong hero at skin sa iyong profile page

Profile page sa Mobile Legends: Bang Bang
Credit: ONE Esports

Makikita ng ng mga manlalarong bumibisita ang lahat sa unang page, kasama ang iyong album at name card.

Gagawing katangi-tangi ng mga pagbabago ang iyong profile, at mas mapapakita nito ang personalidad at playstyle ng bawat manlalaro as Land of Dawn.

Paano i-customize ang iyong bagong profile page as MLBB

Mabilis at madali lang i-customize ang page. Sundan lang ang mga sumusunod na hakbang:

  • Sa home screen, i-tap ang iyong profile picture na makikita sa top left ng iyong screen.
  • I-click ang edit sa dulong kanang kanto ng screen.
  • Makikita mo ang listahan ng heroes at skins na mayroon ka. Piliin lamang kung ano sa mga ito ang gusto mong lumabas sa iyong profile.
Listahan ng heroes at skins sa Mobile Legends profile page
Credit: ONE Esports

Simula Season 28, ang mga Mythic players at pataas ay pwedeng ma-access ang profile backgrounds bilang bagong customiztion option.

Magbabago ang background na ito kada season, at madalas ay tinatampok nito ang pinakabagong hero, o ang hero na nakatanggap na malaking update.

Para mag-set ng profile background, magpunta sa upper right corner ng iyong profile page, i-tap ang “Settings”, at piliin ang “Background”.

Pwede mo ring i-edit ang iyong name card sa parehong pahina, at magdagdag ng bagong mga larawan sa iyong album. Lahat ay makikita na ngayon sa iyong profile.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Paano itago ang match history sa Mobile Legends