Mataas ang tsansa na pamilyar na sa mga beteranong Mobile Legends: Bang Bang players ang Hero Lock Mode, na isang importanteng feature upang madaling ma-target ang mga kalaban sa pamamagitan lang ng pagpindot sa portrait ng kalabang hero at ‘di na kakailanganin ang manwal na pagtutok.

Paano gamitin ang Hero Lock Mode sa Mobile Legends: Bang Bang

Subalit may mas epektibong paraan para mag-target lock, at ito ang Smart Targeting.

Pareho ang gamit ng Smart Targeting sa Hero Lock Mode, ngunit may twist. Imbes kasi na i-tap ang hero portrait, pwede mong ma-lock ang iyong target sa pamamagitan ng pag-drag sa basic attack button o skill button papunta sa kalaban na gusto mong tirahin.

Kaya mas epektibo ito dahil kaya nitong maka-target ng creeps at minions, na isang mahalagang paraan para masiguro ang mga last hit.

IBA PANG MLBB GUIDES
Sakto ang Great Dragon Spear para sa 3 heroes na ‘to (bukod kay Zilong)
Mga item na dapat mong bilhin para kay Novaria sa Mobile Legends
Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Helcurt sa Mobile Legends
I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban
Lituhin ang mga kalaban gamit ang 3 best split push heroes

Paano i-turn on ang Smart Targeting sa MLBB

Smart Targeting feature sa Mobile Legends: Bang Bang
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Dahil naka-disable by default, kailangan mo itong i-enable. Para magawa ito, sundin ang mga sumusunod na hakbang:

  1. Magpunta sa Settings menu (gear cog icon), pagkatapos ay piliin ang Controls.
  2. Sa ilalim ng Advanced Control Mode, hanapin ang Smart Targeting para sa parehong basic attack at skill.

Bagamat may pagpipiliian ka na buksan ang isa lamang sa kanila, inirerekomenda namin na i-activate ang parehong option upang masulit ang kakayahan ng mga feature na ‘to.

Simple lang ang paggamit ng Smart Targeting. Kung gusto mo itong gamitin, i-press at i-hold lamang ang basic attack button o skill button, at dalhin ang targeting dot patungo sa target mo.

Mahalagang tandaan na pwede mong i-activate ang feature na ito kahit na nakabukas na ang Hero Lock Mode. Sa pamamagitan nito, magagamit mo nang magkakasabay ang mga benepisyo ng mga nasabing feature.

Para sa iba pang balita at guides sa MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Piliin ang 3 best heroes pangontra kay Cici sa MLBB