Si Cici ang isa sa pinakabagong adisyon sa hero pool ng Mobile Legends: Bang Bang.

Kargado ang fighter ng kombinasyon ng crowd control, burst damage at mobility kung kaya’t pambihira ang kayang gawin ng hero sa kamay ng marunong na player.

Nakadisenyo ang kaniyang skills para sirain ang formation ng kalaban at magbukas ng oportunidad para sa kaniyang team na maka-engage.

Palakasin si Cici gamit ang 3 best items na ‘to sa Mobile Legends

Bukod dito, kaya din niyang magpakawala ng consistent damage, at mahirap din siyang mahuli dahil natural siyang madulas gawa ng kaniyang skill kit.

Gayunpaman, lahat ng hero ay may kahinaan at hindi liban dito ang Buoyant Performer. Heto ang 3 best heroes na pangontra kay Cici sa Land of Dawn.

Pangontra kay Cici ang 3 heroes na ito

Aamon

Mobile Legends: Bang Bang assassin Aamon wallpaper
Credit: Moonton Games
3 hero na mabisang counter kay Aamon

Umiikot ang abilidad ni Cici sa kaniyang Delight Stacks na nagpapataas ng kaniyang Movement Speed at Spell Vmp. Kaya naman, napakalakas niyang sustain fighter. Ngunit sa likod ng damage at mobility niya, mahina siya kontra sa burst damage.

Ang assassin na si Aamon ang perpektong hero na kayang ilantad ang kahinaan ng bagong fighter. Kaya din kasing sabayan ng Duke of Shards ang mobility ng fighter, at may abilidad siyang lapnusin ito gamit ang pamatay na combo ng Slayer Shards, Soul Shards at Endless Shards.

Ang maganda pa dito, hindi kayang ma-dodge ang kaniyang Endless Shards kapag na-activate kaya naman kahit subukang tumakbo ng Cici at makaiwas ay masasapul siya ng Magic Damage.

Mathilda

Unrestrained Delight Mathilda skin
Credit: Moonton Games
Pabagsakin si Mathilda gamit ang 3 best counters na ‘to

Kung isa kang support main at nakaharap mo ang Cici sa Ranked Game, isa sa pinakamagandang pick ang Mathilda.

Toto, mahirap hulihin ang fighter dahil sa pambihira niyang bilis, pero, kaya ng Swift Plume na paatrasin ito gamit ang tamang gamit ng Circling Eagle ultimate niya.

Maaari itong gamitin para ma-dive ang Buoyant Performer sa gitna ng labanan o di kaya naman ay gulatin siya sa ambush.

Siyempre, hindi naman kaya ng Mathilda na mapatay ang fighter ng mag-isa. Kaya naman, magandang i-activate muna ang Guiding Wind bago pitikin ang ultimate para mahila ang isang kakampi (na perpekto kung burst hero katulad na lamang ng Aamon).

Eudora

MLBB Divine Glaive o Genius Wand
Credit: Moonton Games

Bagamat lugi sa mobility, bangungot ang kayang dalhin ng Eudora para kay Cici. Kargado kasi ang Lightning Weaver ng pamatay na kombinasyon ng crowd control at burst damage na kahinaan ng fighter.

Oo, hindi siya kasing-bilis ng Aamon, ngunit isa siya sa pinakamalakas na hero sa larangan ng burst damage. A tamang pitik ng kaniyang Ball Lightning, Forked Lightning at Thunder’s Wrath ay kayang lusawin kahit pa ang pinakamakukunat na heroes sa laro.

PALALIMIN ANG KAALAMAN UKOL SA MLBB EQUIPMENT GAMIT ANG AMING GUIDES
Divine Glaive o Genius Wand? Kailan mo dapat bilhin ang 2 magic penetration items na ‘to sa MLBB
Athena’s Shield o Radiant Armor? Alamin kung ano ang dapat bilhin na item in-game at kailan

Kung gamit mo ang mage, bumili ng items na magpapalakas sa kaniyang Magic Damage at Macig Penetration. Magandag opsyon ang Lightning Truncheon, Holy Crystal, Blood Wings at Genius Wand o Divine Glaive depende sa sitwasyon.

Para sa mas marami pang MLBB guides tulad nito, pwede niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Padapain si Moskov gamit ang 3 counters na ‘to sa MLBB