Bago matapos ang nakaraang taon, ipinakilala ng Moonton ang bagong Mobile Legends: Bang Bang assassin hero na si Aamon.

Hindi maipagkakaila ang pagkakatulad niya kay Gusion, na ayon sa lore ay kanyang nakababatang kapatid. Bukod sa pagbato ng shards, imbis na dagger gaya ni Gusion, kaya rin mag-camouflage ni Aamon nang hindi nagtatago sa bush.

Dahil sa mechanic na ‘to at sa taas ng burst damage potential niya, nagiging sakit sa ulo ang makipaglaban sa ehro.

Kaya naman inilista namin ang mga hero na mabisang counter kay Aamon.


3 hero na magandang counter kay Aamon

Ruby

3 hero na mabisang counter kay Aamon
Credit: Moonton

Bagamat kayang mag-invisible ni Aamon, hindi naman siya ganon kalikot. Kahinaan ng mga ganitong klase ng hero ang mga crowd control, bagay na pangunahing bentahe ni Ruby.

Gamitin nang maayos ang Don’t Run, Wolf King! at ang ultimate niyang I’m Offended! para ma-lockdown si Aamon. ‘Di rin dapat mabahala sa damage nito dahil sa tamang item build, tiyak ay masu-sustain ni Ruby ang damage ni assassin.

Yu Zhong

3 hero na mabisang counter kay Aamon
Credit: Moonton

Hindi mahaba ang attack range ni Aamon at kailangan niya ring lumapit sa kalaban para maka-combo gamit ang kanyang mga skill. Dahil dito kaya mabisang counter kay Aamon si Yu Zhong. Sikat ang fighter na ‘to dahil sa taas ng kanyang damage potential lalo na kontra melee heroes.

Pwede niya ring ipangrespunde ang Ultimate Black Dragon Form. Kung madidikitan niya si Aamon tuwing team fight, wala nang dahilan para mabahala sa hero.

Eudora

3 hero na mabisang counter kay Aamon
Credit: Moonton

Maaaring maging easy target para kay Aamon si Eudora, pero sa tamang posisyon at galawan, mabigat na counter kay Aamon ang isa sa mga naunang mage hero.

Nananatiling malakas si Eudora sa kabila ng mga nerf na kanyang natanggap. Kayang-kaya niya pa rin kasi burahin sa mapa ang isang Aamon sa isang combo lang ng kanyang mga skill.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: YellyHaze may payo sa former team na Bren Esports para makabangon sa MPL PH S9