Siguradong nagagalak ngayon ang mga Ruby mains sa pagpasok ng pinakabagong October 2021 Starlight skin na Pirate Parrot Ruby sa Mobile Legends: Bang Bang.

Simula noong naging available ito noong October 1, maraming fans ang namangha sa pagbabago sa model at animation ng isa sa mga fighters na ginagmit ngayon sa MPL Philippines Season 8.


Tampok para sa October 2021 Starlight Skin ang Pirate Parrot Ruby

Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Una ng ipinasilip ng Moonton ang October 2021 Starlight skin sa Youtube Page ng Mobile Legends: Bang Bang. Ito rin ang ikalimang skin para sa naturang fighter hero.

Malaking kaibahan sa skin na ito mula sa orihinal na bersyon ng Ruby ang pagpalit niya ng malaking golden anchor mula sa scythes ng unang model.

Para naman sa kaniyang outfit, pirate-themed ang dala ng figher hero na kinumpleto ng starfish eyepatch kasama ng makulay na tricorne.

Isa pa sa preskong pagkakaiba ang kaniyang makulay na hairstyle na talaga namang lumilitaw kumpara sa kaniyang ibang mga skins kung saan nakataklob ang hero ng kaniyang signature hood.


Bagong skill effects ng Pirate Parrot Ruby

Hindi magsisisi ang sinumang kukuha sa October 2021 starlight skin na ito. Maaari ngang ilagay ito ng Moonton sa Epic skin tier dahil sa malaking pagbabago, kung kami ang tatanungin.

Bawat cast niya ng skill, may kutitap na inilalabas ang kaniyang golden anchor, habang bawat gamit niya ng mga skiils niyang Be Good!, Don’t Run, Wolf King!, at I’m Offended ay may sumusunod na water trail bawat kampay ng kaniyang anchor.

Huwag palampasin ang Pirate Parrot Ruby na makukuha sa pag-avail ng Starlight benefits ngayong buwan.