Sa wakas ay inilabas na rin ang pinakabagong MLBB assassin sa Land of Dawn.

Si Aamon, ang Duke of Shards ay kawangis ng kaniyang nakababatang kapatid na si Gusion kung pag-uusapan ay ang hitsura at ng skills. Gayunpaman, hindi matatawaran ang kapreskuhan ng bagong hero na siguradong nagpapasabik sa mga fans.

Kung mga daggers ang ibinabato ni Gusion, shards naman ang inihahagis ng pinakabagong MLBB assassin. Bukod dito, swabe ang kaniyang abilidad na magtago sa gitna ng bakbakan dala ng kaniyang versatile na skill set.

Credit: Moonton/ Screenshot ni Jules Elona ng ONE Esports

Passive – Invisible Armor

Credit: Moonton/ Screenshot ni Jules Elona ng ONE Esports

Mabangis ang passive ng pinakabagong MLBB assassin na tinawag na Invisible armor. Papasok sa camouflage state si Aamon kapag nakakatama ng kaniyang skills. Bukod dito, kasama sa epekto ng kaniyang passive ang pag-restore ng HP at pagbilis ng movement speed sa limtadong duration.

Paglabas mula sa camouflage state na ito, may agarang basic attack buff siyang matatanggap kaya naman talagang mapapa-aray ang sinumang malalapitan ni Aamon.

Skill 1 – Soul Shards

Credit: Moonton/ Screenshot ni Jules Elona ng ONE Esports

May passive at active effect ang unang skill ni Aamon na tinawag na Soul Shards. Para sa passive effect, mag-chacharge ang assassin ng kaniyang armor bawat cast at tama ng kaniyang skill sa kalaban o di kaya naman ay basic attack. Kapag nakabuo ng limang stacks, bibitawan ni Aamon ang limang shards sa susunod na basic attack at maglalatag ng damage.

Para naman sa active effect, magbabato ang Duke of Shards ng isang shard sa isang target. Kapag tumama ito, mag-rereset ang basic attack ng hero.

Skill 2 – Slayer Shards

Credit: Moonton/ Screenshot ni Jules Elona ng ONE Esports

Magbabato si Aamon ng isang shard paharap at magreresulta sa magic damage at slow sa unang non-minion na enemy hit. Kung wala namang tatamaan ang Slayer shards, babalik ito sa hero at agad na pupunta sa camouflage state.

Ultimate – Endless Shards

Credit: Moonton/ Screenshot ni Jules Elona ng ONE Esports

Para sa kaniyang ultimate na Endless Shards, ibabato ng pinakabagong MLBB assassin ang lahat na kaniyang shards sa isang target. Pagkatapos ng maigsing panahon, lilipad ang mga shards sa lokasyon ng kalaban at magreresulta sa magic damage.

Tataas ang magic damage base sa armor charge at shards na nakalapag. Tataas din ito base sa nawalang HP ng target.

Para sa mas detalyadong pagpapaliwanag sa skills at combos ng pinakabagong MLBB assassin, panoorin ang full hero spotlight dito.

Pagsasalin ito ng sulat ni Jules Elona ng ONE Esports.