Hatid sa inyo kasama ang Samsung.

Si Cici ang pinakabagong fighter hero sa Mobile Legends: Bang Bang, na may kakaibang armas sa anyo ng isang yo-yo at nakakaaliw na pagkatao.

Bagamat malambot kung titignan, pambihira ang sustainability at damage per second na taglay ng Buoyant Performer.

Ang kanyang passive na Performer’s Delight ay nakapagbibigay sa kanya ng movement speed at spell vamp tuwing siya ay nakaka-damage ng kalaban. Dumodoble ang bisa ng mga ito kapag naabot ang pinakamataas na stacks.


Madaling niyang napapagana ang passive dahil sa kanyang first skill na Yo-Yo Blitz, na nakakapagbitaw ng tuloy-tuloy na damage sa pinakamalapit na kalaban. Habang ginagamit niya ito, maaari siyang gumalaw at gumamit ng ibang skills.

Samantala, ang kanyang second skill naman na Buoyant Bounce ay isang epektibong mobility spell. Maaari siyang lumundag sa isang unit at tumalon patungo sa direksyon ng iyong joystick.

Mabisang crowd control naman ang ultimate niya na Curtain Call. Ibinabato niya ang kanyang yo-yo papunta sa target, na siyang magkokonekta dito sa kalapit na kalabang hero. Napapabagal sila nito at nahihila sa loob ng ilang segundo.



Kasabay nito, pwedeng gamitin ni Cici ang Yo-Yo Blitz para sabay na atakihin ang magkakabit na kalaban. Kung isa lang ang abot ng range ng first skill, dalawang beses niyang aatakihin ang apektadong target.

Kung nais mong mapalabas ang buong potensyal ng bagong fighter hero, siguruhing bilhin mo ang mga item na nakalista sa ONE Esports guide na ito.

Heto ang tatlong best items na dapat mong bilhin kay Cici sa MLBB

War Axe

War Axe, isa sa best items para kay Cici sa MLBB
Credit: ONE Esports

Una sa listahan ang War Axe, na nakapagbibigay ng physical attack, karagdagang health points, at cooldown reduction.

Pero ang unique passive nito na Fighting Spirit ang talagang swak na swak para kay Cici. Sa bawat pagkakataon kasi na ikaw ay nakaka-damage ng kalaban, bibigyan ka nito ng extra physical attack at spell vamp sa loob ng ilang segundo.

War Axe vs Hunter Strike: Ano ang dapat bilhin sa 2 physical penetration items

At kapag naabot mo ang maximum stacks, pagkakalooban ka nito ng kakayahan na makapagbitaw ng true damage.

Gaya ng kanyang passive, madaling mapo-proc at mapapanatili ni Cici sa max stacks ang epekto ng War Axe gamit ang kanyang Yo-Yo Blitz at Curtain Call ultimate.

Brute Force Breastplate

Bruteforce Breastplate, isa sa best items para kay Cici sa MLBB
Credit: ONE Esports

Katulad ng War Axe, ang Brute Force Breastplate ay nagtataglay din ng passive effect na mayroong stacks at madaling mati-trigger ni Cici.

Tinatawag na Brute Force, ang passive ay nakapagbibigay ng karagdagang physical attack, magic power, at movement speed sa bawat atake mo sa loob ng ilang segundo.

IBA PANG MLBB GUIDES
Sabi ni KarlTzy, gamitin mo ang 3 heroes na ‘to para makapag-Mythical Glory
I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban
Gusion Guide ni ECHO Sanji: Item build, emblem, battle spell, at combo
Patumbahin si Alucard gamit ang 3 hero na ‘to sa Mobile Legends
Swak ang magic item na Starlium Scythe sa mages na ito

At sa puntong maabot mo ang max stacks, magtataglay ka ng control duration reduction o tapyas sa itinatagal ng stun, slow, at iba pang CC effects (maliban sa suppression) na ilalagay sa’yo ng mga kalaban.

Bukod pa riyan, may flat stats stats din na karagdagang HP, physical defense, at cooldown reduction ang Brute Force Breastplate.

Athena’s Shield

Athena's Shield, isa sa best items para kay Cici sa MLBB
Credit: ONE Esports

Ang Athena’s Shield naman ay makapagbibigay sa’yo bilang Cici ng proteksyon laban sa magic damage upang ikaw ay tumagal sa mga team fight.

Nagkakaloob ito ng malaking halaga ng HP, magic defense, at HP regen.

Mayroon din itong unique passive na kung tawagin ay Shield. Nagbibigay ito ng malaking porsyento ng magic damage reduction sa loob ng ilang segundo kapag ikaw ay nakatanggap ng magic damage.

Athena’s Shield o Radiant Armor? Alamin kung ano ang dapat bilhin na item in-game

Dahil dito, hindi ka basta-basta mabu-burst down ng mga kalabang hero na biglaang nagbibitaw ng magic damage mula sa kanilang skill combo, tulad nila Eudora, Nana, at Pharsa.

Kung ang kalaban naman ay nagpapakawala ng magic DPS, gaya nila Chang’e, Gord, at Valir, mainam na ipalit sa Athena’s Shield ang Radiant Armor.

Sa laro naman na puro physical damage lang ang inaasahan ng kalabang koponan, bumuo ng Dominance Ice, Antique Cuirass, o Blade Armor, depende sa sitwasyon.

3 dahilan kung bakit sulit ang Dominance Ice sa lahat ng tank sa Mobile Legends
Blade Armor o Antique Cuirass: Alin ang mas mahusay na physical defense item?

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: War Axe at Brute Force Breastplate: Ang iyong susi sa MLBB ranked games