Hatid sa inyo kasama ang Samsung.

Sa Mobile Legends: Bang Bang, mapapaisip ka kung War Axe o Hunter Strike ba ang dapat mong bilhin kapag gumagamit ka ng fighter o assassin hero na may physical damage, at kailangan mong magsilbi bilang damage dealer para sa iyong koponan.

Pareho kasing pinapataas ng dalawang attack item na ito ang iyong physical penetration, na mahalaga sa pagpuksa ang mga makukunat na kalaban, at tuluyang manaig sa mga importanteng team fight, lalo na sa mid hanggang late game.

Ang physical penetration ay isang attribute na nagpapalakas ng pagiging epektibo ng iyong physical damage sa pamamagitan ng pagsasawalang-bahala sa physical defense ng iyong target.

Bukod pa riyan, nakakapagbigay din ang mga ito ng karagdagang movement speed, ngunit sa magkaibang paraan.

Sa ONE Esports PH guide na ito, ibabahagi namin sa inyo ang pagkakaiba ng dalawang physical penetration item na ito, at kung ano ba ang dapat mong bilhin para masulit ang potensyal ng gamit mong hero.


Mga attribute at unique passive ng War Axe at Hunter Strike

Mobile Legends: Bang Bang physical attack item War Axe sa Battlefield Overview na background
Credit: ONE Esports

Simulan natin sa War Axe. Sa ngayon, ang item na ito ay nagbibigay ng +40 physical attack, +550 health points, at +10% cooldown reduction sa presyong 2,100 gold.

May natatanging passive effect ito na tinatawag na Fighting Spirit. Kapag nakakapag-damage ka, bibigyan ka nito ng karagdagang 10 physical attack at 2 physical penetration kada segundo sa loob nang tatlong segundo.

Naiipon ito nang hanggang 8 stacks para sa sumatotal na +80 physical attack at +16 physical penetration kapag naabot ang maximum stacks. Bukod pa rito, kapag max stacks na, magkakaroon ka rin ng karagdagang 15% movement speed.

Ngunit ang mga physical attack at physical penetration bonus ay nakakahalati para sa mga marksman, mage, at support, kaya naman hindi rekomendadong magbuo ng War Axe para sa mga ganitong klase ng hero.

Mobile Legends: Bang Bang physical attack item Hunter Strike sa Battlefield Overview na background
Credit: ONE Esports

Sa kabilang banda, ang Hunter Strike naman ay nagkakaloob ng +80 physical attack at +10% cooldown reduction. May unique attribute din ito na +15 physical penetration sa presyong 2,010 gold.

Ang passive nito na Retribution ay nagbibigay ng 50% extra movement speed (na nagde-decay sa loob ng tatlong segundo) kapag limang beses na magkakasunod mong na-damage ang isang kalabang hero o jungle creep. Mayroong cooldown na walong segundo ang naturang passive.

Kung susuriin, liyamado ang Hunter Strike sa War Axe pagdating sa physical penetration bonus dahil agaran nitong ibinibigay ang naturang attribute, habang ang huli ay kailangan pang i-stack ito.

Kaya naman epektibo ito sa pagpitas ng kalaban, at agarang pagtakas o paghabol kung kinakailangan.

IBA PANG MLBB GUIDES
Ano ang Trinity Build sa MLBB at bakit sikat ito sa mga marksman
3 heroes na sulit gamitan ng Basic Common Emblem
Divine Glaive o Genius Wand? Kailan mo dapat bilhin ang magic penetration items na ‘to
Painitin si X.Borg gamit ang 3 best items para sa kanya
3 dahilan kung bakit sulit ang Dominance Ice sa lahat ng tank

Ano ang dapat mong bilhin para sa gamit mong hero?

Mobile Legends: Bang Bang Onimusha Commander Alpha skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Bagamat parehong mabisa sa pagpapataas ng physical penetration ang War Axe at Hunter Strike, may mga hero na swak para sa mga item na ito.

Mainam na kumuha ng War Axe kung ikaw ay gumagamit ng isang fighter hero na kayang tumagal sa mga clash at patuloy na magbitaw ng damage.

Sa paraan kasing ito ay siguradong maaabot mo ang max stacks ng Fighting Spirit at panatilihing aktibo ito, na siyang magiging dahilan para malaki ang maiambag mong damage habang tumatagal ang isang team fight.

Solidong opsyon ito para sa mga hero tulad nila:

  • Balmond
  • X.Borg
  • Alpha
  • Aulus
  • Bane
  • Roger
  • Paquito
  • Leomord

Pwede rin naman ang War Axe sa mga assassin, tulad nila Saber, Lancelot, at Hayabusa, pero dapat mong siguruhin na panatilihin ang stacks upang hindi masayang ang passive effect ng item.

Mobile Legends: Bang Bang Onimaru Saber skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Sulit naman bumili ng Hunter Strike kung ikaw ay naglalaro ng assassin o fighter na malakas mang-gank at mag-lock sa isang target.

Ganang-gana rin ito sa mga marksman na kayang i-trigger nang mabilis ang Retribution passive nito gamit ang kanilang basic attack o skill.

Ilan sa mga hero na swak na magbuo nito ay sina:

  • Saber
  • Hayabusa
  • Lancelot
  • Alucard
  • Benedetta
  • Lapu-Lapu
  • Dyrroth
  • Yin
  • Granger
  • Natan

Pero kung kakailanganin mo ng mas malaking physical penetration at mataas na movement speed para sa epektibong paggalaw sa mapa, mainam kung pareho mong bubuuin ang mga naturang attack item.

Partikular na magandang bilhin ang parehong War Axe at Hunter Strike kung ikaw ay naglalaro bilang isang jungler.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Kayang ibalik ng Flask of the Oasis sina Estes at iba pang healers sa MLBB meta