Inilabas na ng Moonton Games ang Project NEXT patch 1.8.20, ang pinakamalaking patch sa ngayon sa Mobile Legends: Bang Bang.

Sa patch na ito, ipinakilala ng developers ang bagong assassin hero na si Nolan, at nagpatupad ng iba’t-ibang balance adjustments sa mga hero at emblem.

Magpapakilala ang bagong Johnson ultimate ng game-breaking combos sa MLBB

Pero marahil ang pinakamalaking idinagdag sa update na ito ay ang Flask of the Oasis, isang item na ginawa para sa support heroes, partikular na sa mga may healing skills.

Narito ang lahat ng kailangan mong malaman patungkol sa bagong support item, kabilang na ang mga hero na pinakamakikinabang sa pagbili nito.


Mga dapat mong malaman patungkol sa bagong Flask of the Oasis item sa Mobile Legends

Flask of the Oasis item build path sa Mobile Legends: Bang Bang
Credit: ONE Esports

Ibinibigay ng bagong item na ito ang mga sumusunod na stats:

  • 60 magic power
  • 300 max HP
  • 10% cooldown reduction
  • Unique attribute: 12% healing effect
  • Unique passive: Matapos mag-heal o mag-cast ng shield skill sa kakampi, kung bumaba sa 30% ang kanilang buhay sa loob nang tatlong segundo, magkakaroon sila ng shield sa loob ng limang segundo. Kapag na-trigger ang effect na ito, babawasan din nito ang cooldown ng skills ng caster.

Ang passive ay nagagamit lang nang isang beses sa loob ng isang minuto sa parehong target, at hindi ito mati-trigger sa mga hero na may heal o shield na para sa kanilang sarili lamang.

IBA PANG MLBB GUIDES
Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Jawhead sa Mobile Legends
Athena’s Shield o Radiant Armor? Alamin kung ano ang dapat bilhin na item in-game
3 dahilan bakit sulit ang Dominance Ice sa lahat ng tank
Blade Armor o Antique Cuirass: Alin ang mas mahusay na physical defense item?
Pataubin si Karrie gamit ang 3 counters na ‘to sa MLBB

Malaking bagay ito bilang equipment option para sa mga support hero dahil napapalakas nito ang kanilang healing at shielding abilities sa mga team fight.

Si Estes ang siguradong pinakamakikinabang sa item na ito. Lalong paiigtingin ng unique passive ng Flash of the Oasis ang kakayahan niyang mag-heal, kaya naman maituturing ito na core item para sa kanya.

Bukod sa kanya, ito pa ang mga hero na swak para sa item:

MLBB Rafaela
Credit: Moonton Games
  • Rafaela
  • Angela
  • Floryn
  • Minotaur
  • Diggie
  • Lolita
  • Mathilda

Heto pa ang ilan sa mga bagay na nakapaloob sa Project NEXT patch 1.8.20.



Para sa iba pang balita at guides sa Mobile Legends: Bang Bang, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ano ang Smart Targeting sa Mobile Legends at paano ito gamitin