Si Karrie ay isang anti-tank marksman hero sa Mobile Legends: Bang Bang.
Ang kanyang passive skill, Lightwheel Mark, ay nagbibigay ng true damage base sa maximum na HP ng kalaban. Ibig sabihin nito, mas maraming health points ang mga kalaban, mas malaki ang damage na kanilang matatanggap.
Ang Speedy Lightwheel ay mabilis na makakapag-trigger ng kanyang passive, dahil ito ay nagbibigay sa kanya ng ability na maghagis ng dalawang lightwheel sa bawat basic attack.
Bukod dito, ito ay nagbibigay din sa kanya ng karagdagang movement speed, na nagpapahintulot sa kanya na habulin ang mga kalaban o atakehin sila mula sa ligtas na distansya.
Ang Phantom Step ay nagbibigay sa kanya ng kakayahang maglabas ng dalawang lightwheel habang tumatakbo patungo sa isang target na direksyon, at ang Spinning Lightwheel ay mabisang nagpapabagal sa mga kalaban.
Gayunpaman, may mga mga hero na kayang pumigil sa kanya. Isaalang-alang ang pagpili ng isa sa mga sumusunod na counter kapag humarap ka sa Lone Star sa laro.
Tatlong malalakas na hero counters laban kay Karrie sa Mobile Legends
Lunox
Hindi lang kayang pigilan ni Lunox ang marksman gamit ang kanyang zoning ability, kundi kayang ibalik niya kay Karrie, na medyo mahina sa umpisa ng laro, ang kanyang sariling Gawain sa anyo ng magic damage.
Kapag naka-level four na si Lunox, hindi na magagawa ng marksman ang anuman kapag nakapagsimula na ang Twilight Goddess sa kanyang mga combo.
Harith
Si Harith ay isa sa mga hero na maraming buffs ang nakuha sa mga naunang update ng patch, ngunit hindi lumitaw sa competitive meta.
Nagbago ito nang siya’y tawagin na sa laban bilang perpektong mage hero para kontrahin si Karrie.
Ang Time Traveler ay napakalakas sa team fights. Mayroon din siyang magandang mobility at damage kapag nilabanan siya nang one-on-one. Ito ang nagpapalakas kay Harith laban sa marksman.
Ang ability niyang nagbibigay ng shield ay isa ring kalamangan.
Pharsa
Ang skill set ni Pharsa ay binubuo ng crowd control at burst damage, kaya’t halos tiyak na hindi kayang labanan ni Karrie ito sa one-on-one.
Ang kanyang pag-ikot sa mapa ay napakabilis, salamat sa kanyang extra skill na Wings by Wings. Ito ay nagpapahintulot sa kanya na madaling mapuntahan ang kanyang lane at subukang pitasin si Karrie sa laning phase.
Ang kanyang ability na mag-kite ay magiging problema rin para sa marksman.
Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
READ MORE: Patumbahin si Alucard gamit ang 3 hero na ‘to sa Mobile Legends